Producer din ng movie ang mag-boyfriend: INAH, inamin na challenging na makasama sina JOHN, JAKE at KAILA
- Published on January 16, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI raw agad makapaniwala ang indie actress at Vivamax star na si Quinn Carillo na kabilang siya sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na pinakauna niyang series sa GMA.
Dagdag pa rito na panggabi o primetime ang kanilang serye.
Lahad ni Quinn, “Sobrang kinikilig po talaga, kasi nung una, sabi nga po, is pang-hapon.
“’Tapos, kahit po pang-hapon, sobrang suwerte ko na sobrang happy ko na, tapos sinabi nila na biglang sa primetime.
“So lalong… ‘Oh, my God! It’s my first TV series and it’s gonna be primetime!’
“Di ko alam, I don’t know what to feel, I’m just feeling really elated right now.
“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, sobrang suwerte ko.’”
Ano naman ang pakiramdam niya na nakatawid na siya mula sa indie films to a mainstream TV series?
“Actually, hindi ko po siya iniisip,” umpisang sinabi ni Quinn. “like, nakatawid na ako.
“Kasi, it’s still work. And ayoko naman pong paabutin sa utak ko na, ‘Ay, mainstream na yan.’
“So, it’s still work pa rin naman yun. Kasi, feeling ko, aakyat sa utak ko.
“Kahit sabihin ko, ayoko. Kahit sabihin ko, nakatawid. Meron, e.
“Meron at meron talagang parang, parang aakyat talaga sa utak ko yun, yung ginagawa kong project.
“So, inisip ko na lang, ano to, like, any other job, gawin mo nang maayos, gawin mo ang best mo, gawin mo lahat ng puwede mong gawin, para maipakita mo na deserve mo itong project.”
Sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ay mga lead stars sina Jasmine Curtis Smith, Rayver Cruz as Jordan, Liezel Lopez, Joem Bascon at Martin del Rosario, Mula ito sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen
Samantala, cast member rin si Quinn ng mapangahas na ‘Haslers’ ng Vivamax at siya rin ang sumulat ng script nito na available na ngayon for streaming.
***
MAGKAKASAMA sa ginagawa ngayong pelikula na ‘Pilak’ sina Inah de Belen, ang ama niyang si John Estrada at ang kasintahan ni Inah na si Jake Vargas.
Tinanong namin si Inah kung ano ang pakiramdam na kasama niya sa isang pelikula ang ama at boyfriend niya.
“I’m actually very excited,” bulalas ni Inah.
“When I started na maging artista… I’ve already worked with my mom, and hindi siya drama ha, comedy siya and medyo hirap na hirap na ako.
“But like ako, I want to challenge myself as an actress and what could be more challenging than to be with my boyfriend, my dad and my sister in one movie, ‘no?
“And siyempre hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano yung mga eksenang gagawin naming tatlo together; me, my dad and si Jake, pero intense talaga yung eksena na yun so just by reading it [script] sabi ko, ‘Okay, medyo ninenerbiyos ako, ha?’
“Pero iyon nga, if I don’t challenge myself you know, I won’t evolve also as an actress, I won’t grow.
Dagdag pa ni Inah, “And I think it’s important for us as actors also to know because iyon nga, we don’t stop learning.
“Even my dad he’s already a good and one of the best actors but he doesn’t stop learning talaga. And I think by working with us also he will keep learning also, so iyon po.
“Yung sister ko, nakatatlong kontrabida roles na siya, medyo, so I also want her, as her sister, for her to grow as an actor also,” pagtukoy ni Inah kay Kaila Estrada na bida sa ‘Pilak.’
By the way, sina Inah at Jake ang producers nito pati na rin ang direktor ng pelikula na si direk Elaine at Bea Glorioso ng Visionary Entertainment Productions.
Kasosyo rin sa ‘Pilak’ ang GMA actress na si Thea Tolentino at Uno Juan bilang executive producer, line produced naman ang pelikula ng Entablado Production USA at Ilaw Media.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI
INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong criminal laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer […]
-
NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque
MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang […]
-
20% discount sa mga gov’t certificates at clearances para sa job applicants, isinulong sa Senado
NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang bawat mahirap na Pilipino para sa kaukulang dokumento na kakailanganin sa kanilang pag-a-apply ng trabaho. Ito ang Republic Act No. 11261 o ang ‘First Time Jobseekers Assistance Act’ na na makakatulong sa bawat mahihirap […]