Promodiser, 1 pa laglag sa Caloocan drug bust, P2.5M shabu nasamsam
- Published on January 18, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa mga high value individual (HVI) matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32, promodiser ng malaking supermarket at residente ng Phase 9 Package 7 Bagong Silang, Brgy. 176 at alyas “Anthony Kulot”, 42. ng Gaya-Gaya Heroes Village, Bulacan.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation kontra sa dalawa matapos magpositibo sa isinagawa nilang validation ang impormasyong ibinulgar sa kanila ng isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.
Dakong alas-12:44 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ang dalawa matapos tanggapin ang P29,000.00 boodle money na may kasamang isang tunay na P1,000 na marked money bilang buy-bust money kapalit ng ibinentang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Robes 1, Brgy., 175 Camarin.
Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,554,080.00, buy bust money at isang paper bag.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para tuguisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
CAREER HIGH: 71 POINTS NI DAMIAN LILLARD
Tumipa si Damian Lillard ng career-high na 71 puntos nang talunin ng Portland Trail Blazers ang Houston Rockets noong Linggo (Lunes, oras sa Maynila). Sa isang makapigil-hiningang pagtatanghal sa harap ng maraming tao sa Portland, iniukit ni Lillard ang kanyang pangalan sa alamat ng NBA upang dalhin ang Blazers sa 131-114 tagumpay. Ito […]
-
GMA Public Affairs’ first investigative docu film “Lost Sabungeros” marks world premiere at Cinemalaya
HIGHLY regarded for its award-winning documentaries, GMA Public Affairs is taking the genre to another level as it presents its first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros” – set to premiere at the 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this August. Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate and find […]
-
“IN THE HEIGHTS” REVEALS VIBRANT, ROUSING NEW TRAILER
THE time has come to turn up the volume! Check out the new trailer of Warner Bros.’ “In the Heights” and watch the film soon in Philippine cinemas. Facebook: https://www.facebook.com/137782652917951/videos/254440376355048 Instagram: https://www.instagram.com/tv/CMa2g6ZiHTa/ YouTube: https://youtu.be/Q0TRzLgKjlI About “In the Heights” The creator of “Hamilton” and the director of “Crazy Rich Asians” invite you to […]