Proseso ng Hajj pilgrimage visas, tuloy kahit may COVID-19
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
NAG-ABISO ang National Commission on Muslim Filipinos sa mga Pilipinong may balak na sumabak sa Hajj pilgrimage sa Hulyo na ituloy ang paghahanda ng kanilang visa papers para rito.
Ito ay matapos na ianunsiyo ng pamahalaan ng Saudi Arabia na bawal sumabak ang mga dayuhan sa Umrah pilgrimage sa naturang bansa, bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
“Ang suspended po na visa ay ‘yung Umrah pilgrimage. Yung Hajj pilgrimage hindi po. Tuloy-tuloy po yung Hajj pilgrimage, mayroon tayong lead time diyan mga 4 months from now kasi July 1 ‘yong first flight ng Hajj pilgrimage,” ayon kay Saidamen Pangarungan, pinuno ng NCMF.
Tiniyak din ni Pangarungan na nagbibigay pa rin sila ng work visa at resident visa sa mga nais pumasok ng Saudi Arabia.
Maaalalang sinuspinde ng Saudi Arabia ang entry visa para sa mga pilgrim sa Mecca ngayong taon, kasunod ng outbreak ng coronavirus disease 2019 sa Middle East.
Umaasa ang NCMF na maaayos ang sitwasyon pagsapit ng panahon ng Hajj sa Hulyo 30.
Milyon-milyong Muslim sa buong mundo ang sumasabak sa Hajj Pilgrimage, na parte ng kanilang “5 pillars.”
Noong 2019, mahigit 7,000 pilgrims ang nagpunta sa Saudi para sa Hajj, at inaasahang aabot pa ng 8,000 sa darating na Hulyo.
Ayon kay Pangarungan, hindi naman natigil ang Hajj nang magkaroon ng SARS at MERS-COV.
Sa halip ay nagkaroon ng mas mahigpit na protocol ang pamahalaan ng Saudi.
“Hindi ka puwedeng pumunta dun without accomplishing ‘yung 2 vaccine. It’s a mandatory requirement, kailangan kumuha ka ng meninggococemia vaccine at saka flu vaccine bago ka payagan na makapunta sa Saudi for the Hajj,” ani Pangarungan.
-
DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na
Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca. Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand. “Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very […]
-
Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa NBI, NIA, LTO, DTI at DILG
INANUNSYO ng Malakanyang ang mga bagong appointees sa Land Transportation Office (LTO), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Trade and Industry (DTI). Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang mga bagong appointees ay sina: *Robert Victor Seares Jr.- Deputy […]
-
Approval, trust ratings ni Pangulong Marcos bumaba; Sara tumaas
DUMAUSDOS pababa ng 2 puntos ang nationwide approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba ng 5 puntos ang kanyang trust ratings, batay sa latest Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia. Mas mababa ito sa approval rating ni Marcos na 55 percent noong Marso na ngayon ay nasa 53 percent […]