• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proseso sa pagbili ng PS-DBM ng PPEs, face mask wastong nasunod; walang ‘overpricing’ – COA

Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na walang iregularidad sa proseso nang pagbili ng PS-DBM ng mga personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni COA chairman Michael Aguinaldo na hindi inikutan ng PS-DBM ang procurement laws sa pagbili ng mga PPEs noong nakaraang taon.

 

 

Binili kasi aniya ang mga PPEs na ito sa pamamagitan ng emergency procurement dahil sa Bayanihan 1.

 

 

“There is a provision that was cited by Deputy Ombudsman Lliong earlier that said the President can do the procurement without regard or as an exemption to the provisions of RA 9184 and I think related laws, ang sinasabi lang is ang most advantagous to the government ang i-procure. That said, theres a GBPP Resolution No. 1-2020 which was issued on April 6 2020. Ang subject po nito are guidelines for emergency procurement under the RA 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan Act 1 po,” ani Aguinaldo.

 

 

“Despite the fact that the President could have authorized the procurement without regard to 9184, this issuance shows that the DBM actually decided na “hindi we will still apply the emergency rules and procurement subject to the contents of the circular.” So iyon po ang sinunod,” dagdag pa nito.

 

 

Ayon kay Aguinaldo, sa bisa ng Bayanihan 1, ang hinihiling lamang sa PS-DBM ay tiyakin na mabibili ang mga PPEs sa “most advantageous” price at ma-deliver ang mga ito sa lalong madaling panahon.

 

 

Malinaw din aniya sa Bayanihan 1 na pinapayagan ang negosasyon kahit sa iisang kompanya lamang at hindi ang nakasanayan na tatlong kompanya.

 

 

Nilinaw naman din ni Aguinaldo na hindi sinabi ng COA na ang pagbili ng mga pandemic supplies ng PS-DBM ay “overpriced”.

 

 

Samantala, nilinaw ni Overall Deputy Ombudsman Warren Lliong, dating director for procurement ng PS-DBM, hindi totoo ang alegasyon na mayroong “ghost deliveries” ng mga face masks mula sa kompanyang Pharmally.

 

 

Lahat aniya ng 100 million pieces na binili nila sa Pharmally ay natanggap na ng pamahalaan, at makakapagpatunay aniya rito ang Department of Health (DOH) at IATF sapagkat sila mismo ang namahagi ng mga ito.

 

 

Pinabulaanan din nito ang alegasyon na may paunang bayad sila sa Pharmally sa P8.8 billion na kontrata nito noong 2020 at karagdagang P2.9 billion kontrata sa kasalukuyang taon.

 

 

Ayon kay Llion, hindi nila pinapaburan ang Pharmally sa mga kontratang ito dahil sa compliant naman ang mga ito sa parameters na kanilang sinusunod sa pagpili ng mga suppliers.

Other News
  • PBA ikinalungkot ang muling pagkakasangkot sa gulo ni Amores

    Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna.     Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan.     Tikom din ang bibig ni Marcial […]

  • Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho

    Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention.   Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng […]

  • COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA

    BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon.       Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong  December 17  ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR […]