• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proteksyon ng OFWs, tiniyak ng Taiwan

TINIYAK ng gobyerno ng Taiwan ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa sakaling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at ng China.

 

 

Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III na tiniyak sa kaniya ng National Police Agency of Taiwan na handa silang magbigay ng matutuluyan sa 89,000 OFWs na nasa kanilang bansa sakaling umatake ang Beijing.

 

 

“I met with the Director General together with the head of the home Civi­lian Defense of Taiwan and they assured us that they will also protect our countrymen there,” ayon kay Bello.

 

 

Nasa 160,000 OFWs ang kabuuang nagtatrabaho sa Taiwan kung saan 90% ang nasa manpower services. Ang iba ay mga guro, magsasaka, at nasa hospitality industry.

 

 

Ito ay sa kabila ng tensyon na dinaranas din ng Taiwan mula sa China na nagpalakas ng mga military drills sa karagatang nakapaligid sa bansang isla. Ito ay kasunod ng mga pagbisita ng matataas na opisyal ng Estados Unidos umpisa noong 2022.

 

 

Nagkaroon ng agam-agam sa kundisyon ng mga OFWs sa Taiwan makaraang maglabas nitong nakaraang buwan si Chinese Ambassador Huang Xilian ng abiso laban sa pagsuporta ng Pilipinas sa ‘independence’ ng Taiwan kung pinahahalagahan umano ng ating gobyerno ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat. (Daris Jose)

Other News
  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]

  • PDU30, magsasalita sa UN General Assembly debate bukas, Setyembre 21

    INAASAHAN na magsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United Nations (UN) at isulong ang posisyon ng bansa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno ng Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) at human rights.   Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate ng […]

  • ‘Cinemalaya 2021’, Opens Submission for Its Short Film Category

    THE Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2021 is now open for submission of entries for its Short Film Category.      Interested filmmakers must submit their application on or before March 5, 2021 (Friday), 6:00 p.m. to the Film, Broadcast, and New Media Division (FBNMD), 4F Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Blvd., Pasay City.  Only entries […]