• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Provincial poll supervisor ng Mindanao, itinalaga ni PDu30 bilang Commissioner ng Comelec

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang provincial poll supervisor ng Mindanao bilang commissioner ng Commission on Elections.

 

Ito ang nakasaad sa dokumento na ipinalabas, araw ng Huwebes, kulang-kulang dalawang taon  bago bumoto ang mga Filipino mg mga bagong lider ng bansa.

 

Napili ni Pangulong Duterte si  Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio bilang Comelec commissioner na may termino ng hanggang Pebrero  2027, base sa liham.

 

Si Ferolino-Ampoloquio ay unang nakasama sa Comelec bilang emergency worker taong 1994, at sa kalaunan ay nagsilbi bilang election assistant para sa 12 taon bago pa ito na-promote  bilang election officer ng 10 taon  at bilang isang supervisor, ayon kay   Comelec chairman Sheriff Abas.

 

“Commissioner Aimee is an inspiration to all public servants. Her ascent to Comelec leadership is a testament of her great work and her dedication to deliver quality and unparalleled service,” ani Abas sa isang kalatas.

 

Sa ngayon ay naghahanda ang Comelec para sa  2022 elections, sa kabila ng coronavirus pandemic.

 

“Ferolino-Ampoloquio’s completes the Comelec en banc, which “is now better equipped to fulfill its mandate to further strengthen and advance our democracy,” ayon pa kay Abas.  (Daris Jose)

Other News
  • Kung bakit hindi nagsuot ng ‘pink shirt’… ANGEL, ayaw mahaluan ng pulitika ang pagbibigay niya ng relief goods

    IPINALIWANG ng aktres at kilala ring philanthropist na si Angel Locsin, kung bakit hindi niya sa nagsusuot ng ‘pink shirt’ habang nagdi-distribute ng relief goods sa typhoon victims.     Alam naman ng lahat na very vocal na supporter si Angel sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.     May isa kasing follower […]

  • Inaming nagkaroon ng ‘di pagkakaintindihan: MIKOY, umiiwas kaya ‘di pa sila nagkaka-ayos ni JACLYN

    MASAYA ang bagong news ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, host ng pinakamasayang game show na “Family Feud” sa GMA-7 na pwede nang sumali ang mga batang contestants.      Ayon kay Dingdong, based daw sa survey, ang mga tamang sagot sa show, mga bata rin ang respondents para sa kiddie episodes.     Nagbalik […]

  • GAB iimbestigahan ang Casimero isyu

    PINAIIMBESTIGAHAN na ng Games and Amusements Board (GAB) ang kasalukuyang sitwasyon ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero matapos itong patawan ng parusa ng British Boxing Board of Control (BBBC).     Matapos malaman ang balita, agad na ipinag-utos ni GAB chairman Baham Mitra na simulan ang independent investigation upang makita kung […]