• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.

 

 

Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong gusaling pamparaalan sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pinangunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na may 20 silid-aralan na gusaling pampaaralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

 

 

Siniguro ni Duterte sa mga Bulakenyo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang COVID-19 Vaccination Program at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng harapang klase.

 

 

“I truly appreciate the patience and understanding of the learners, the parents and teachers in your locality. We are hopeful that these newly-built classrooms will provide a more conducive learning environment even as we cope with the new normal,” anang Pangulo.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Duterte para sa kanyang mapanagutang liderato na naging gabay ng mga lokal na opisyal sa paglaban sa pandemya at sa mga suliranin na kaakibat nito.

 

 

“Ang mahalagang araw na ito ng pagbubukas ng minamahal nating paaralan ay may hatid na mensahe ng pag-asa para sa ating lahat. Ito ay patunay na narito ang ating pamahalaan, handang manguna at makaagapay natin,” anang gobernador.

 

 

Sinamahan si Duterte ng kanyang common-law partner na si Cielito “Honeylet” Avancena, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Kalihim ng Department of Public Works and Highways Mark Villar, Department of Education-Central Luzon Regional Director May Eclar, Public School District Supervisor Teresita Alquiza, at iba pang lokal na opisyal ng Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DTI, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA SUPERMARKET SA MAYNILA

    NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry o DTI sa ilang supermarket sa Maynila kaugnay sa mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments.     Kasunod ito ng mga natatanggap na  “request” ng DTI  para sa “price adjustment” ng ibat’t ibang mga produkto     Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, na […]

  • Pelicans star Williamson umalis sa “Bubble”

    Nilisan ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang “Bubble” sa Walt Disney sa Orlando, Florida upang umano’y tugunan ang problemang medical ng kanyang pamilya.   Ayon sa ulat, suportado ni Pelicans executive vice president of basketball David Griffin ang ginagawang pag-alis ni Williamson sa Orlando upang makasama ang kanyang pamilya.   “Tama lamang na […]

  • DOJ: Pinaliwanag ang kanilang posisyon sa CDE-LTO requirement

    ISANG undersecretary ng Department of Justice (DOJ) ang nagbigay ng paglilinaw ukol sa kanilang posisyon sa pagbibigay ng karagdagang requirement ng Land Transportation Office (LTO) sa renewal ng license.     Sinabi ni DOJ undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na ang LTO ay maaari mag impose ng karagdagan requirements para sa pagbibigay ng driver’s license.     […]