• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PS-DBM pinabubuwag sa Senado

PABOR si Senate Mino­rity Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na buwagin ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa pagbili ng P2.4 bilyon na umano’y maanomalyang laptops noong 20221.

 

 

Sinabi ni Pimentel, na ang PS-DBM ay tagong departamento ng DBM at ang kanilang pinuno ay hindi dumaraan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA).

 

 

Kaya dapat umanong ikonsidera ng mga mambabatas na buwagin ito lalo pa at ang pondong ginagamit sa procurement dito ay mas malaki pa ang budget sa ibang departamento ng gobyerno.

 

 

Maliban pa sa nakatago ay nakahugas kamay din umano ang kalihim nito at ikinakaila ang tao niya na may kasalanan kahit nasa departamento niya ito.

 

 

Idinagdag pa ni Pimentel na dapat ay mayroong ahensiya ng gobyerno ang magpa-publish ng researched prices ng materials online para sa benepisyo ng lahat ng ahensiya na gustong bumili sa pamamagitan ng bidding process o iba pang uri ng procurement.

 

 

Nauna nang naghain ng resolusyon ang Senador para imbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang pagbili ng Department of Educations (DepEd)  ng laptop na gagamitin ng mga guro sa implementasyon ng distance learning sa pamamagitan ng PS-DBM.

 

 

Ang PS-DBM ay sangkot din sa P8.6 bilyon pagbili ng overpriced face masks, face shields at PPEs mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. (Daris Jose)

Other News
  • Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM

    Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila.     Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga […]

  • Bagong K-10 curriculum, ilulunsad sa mga susunod na linggo– DepEd

    NAKATAKDANG ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang  revised curriculum  para sa Kinder to Grade 10 (K to 10) sa mga susunod na linggo.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa  na ang implementasyon ng “decongested” K to 10 curriculum ay sa  School Year 2024-2025.     “Sa […]

  • X-Men Joins MCU, Charlize Theron Will Suits Up As Mystique

    EVERYBODY can’t wait for the X-Men to join the Marvel Cinematic Universe and now we have our first look at what Charlize Theron could look like as Mystique.     Across her illustrious career, of the Oscar winner actress, has taken on many roles; however, there is one role that has long alluded her: a […]