PSC payroll scammer, niresbakan ni Ramirez
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Agad na kumilos si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez upang mabawi ang P14M na salaping ninakaw sa ahensya ng isang staff nito na “payroll scammer.”
Sinulatan ni Ramirez, na nagbalik sa trabaho matapos lumiban sa ahensya ng isang buwan, ang Office of the Solicitor General (OSG) upang hingin ang tulong nito para kumpiskahin ng gobyerno ang assets nang inarestong si Paul Michael Ignacio na nasa likod ng payroll scam.
“We need all the help we can get to get to the bottom of this and make every effort that nothing of this sort ever happens again,” paliwanag ni Ramirez na agad ding kinausap ang PSC board upang talakayin ang naging problema.
Hiniling ni Ramirez sa OSG na patibayin at palakasin pa ang kaso ni Ignacio at kumpiskahin na rin ng gobyerno ang assets o ari-arian ng nasabing empleyado upang makabawi sa ninakaw nito sa gobyerno.
Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay inaresto ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ignacio matapos madiskubre ni PSC Executive Director Merlita Ibay ang umano’y ginagawa nitong kabulastugan.
“The board is 100% with the Chairman on this,” ani Commissioner Ramon Fernandez na siyang nakatalagang officer-in-charge nang madiskubre ang iregularidad.
-
Tuloy lang sa ensayo Pacquiao dedma sa demanda!
Ipinagkibit-balikat lang ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang demanda ng Paradigm Sports dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa pukpukang ensayo para sa kanyang August fight. Tuloy lang sa training camp si Pacquiao kung saan nagpost pa ito sa kanyang social media accounts ng ginagawa nitong workout kasama si trainer Buboy Fernandez. […]
-
Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM
Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard. Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano. Sa kalagitnaan ng isyu sa […]
-
PDu30, pinayuhan si Pacman na mag-aral muna
KAILANGAN munang mag-aral ni Senador at boxing champ Manny Pacquiao bago pa nito punahin at batikusin ang forein policy at ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryong West Philippine Sea. “I don’t want to degrade him, but next time he should—mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” […]