PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo.
Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad.
Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na maraming atleta at coaches, aabot na ngayon sa 57 mula sa 9 sports, ang nag-evacuate o nawalan ng tahanan dahil sa bagyong nagdala ng malakas na hangin, ulan at baha sa Metro Manila at karatig probinsya.
Kinumpirma ni PSC Chairman William Ramirez na mino-monitor nila ang mga miyembro ng Philippine national team na apektado ng kalamidad at binibilisan na umano nila ang proseso sa pagbibigay ng ayuda o financial assistance.
“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” ani ng sports chief.
“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” pahayag naman ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.
Karamihan sa mga apektadong national athletes at coaches ay mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation na naninirahan malapit sa floodways sa Rizal.
-
P10 provisional minimum fare sa jeepney pinayagan ng LTFRB
Inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs). Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 […]
-
Medical, nursing students, makikiisa sa vaccination efforts ng gobyerno
SINABI ni National Task Force Against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na may mga senior medical at nursing students ang makikiisa upang maging kabahagi ng Covid-19 vaccination rollout efforts ng pamahalaan bilang volunteer vaccinators. Aniya, nakatakdang mag-sign up ang mga ito upang maging volunteer vaccinators. Sinabi ni Herbosa na ang pagkuha ng […]
-
Seguridad sa Pista ng Itim na Nazareno ‘all-set’na
All- set na ang lahat para sa paggunita sa tradisyunal na Traslacion ngayong 2021 ng Pista ng Itim na Nazareno na nakatakda ngayong araw, January 9 sa Quiapo, Maynila. Ito ang tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Kanselado kasi ngayon ang prusisyon dahil sa umiiral na COVID -19 Pandemic. […]