• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.

 

 

“The PSC Board agreed to give the same financial assistance to our Para athletes,” ani  Agustin. “Kung ano ang suporta ng ating pamahalaan sa mga national athletes, ganoon din ang ating ibinibigay sa mga para athletes.”

 

 

Matapos ang Tokyo Olympics, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8,  papagitna ang Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

 

May limang qualifiers na ang bansa para sa T­okyo Paralympics sa katauhan nina Para swimmer Gary Bejino, Para taek­wondo jin Allain Ganapin, Jerold Magliwan at Janette Acevedo ng Para athletics at Ernie Gawilan ng Para swimming.

 

 

Kabuuang 539 events ang nakalatag sa 22 sports Tokyo Paralympics.

Other News
  • Nasalanta ni ‘Goring’ umakyat sa 196,900 katao; isa nawawala

    UMAKYAT na sa 196,926 ang bilang ng mga residenteng apektado ng Super Typhoon Goring mula sa pitong rehiyon sa Luzon na apektado nito.     Ayon ito sa isang ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan binanggit na 56,410 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng super typhoon.   […]

  • Proud si Lea na siya muna ang hahalili sa ‘Here Lies Love’: VINA, natupad na ang dream na makapag-perform sa Broadway

    NATUPAD na ang dream ni Vina Morales na makapag-perform on Broadway dahil sa pinag-uusapang hit musical ngayon na ‘Here Lies Love’.       Gagampanan ni Vina ang role bilang Aurora Aquino. Si Lea Salonga ang original na gumanap as Aurora Aquino sa naturang first all-Filipino cast on Broadway.       The producer of […]

  • INSIGHT 360 Films, Releases Teaser MV for the RomCom film ‘Miss Q & A’

    INSIGHT 360 Films has released a teaser music video for the upcoming romantic comedy film—Miss Q & A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life? —starring Kakai Bautista and Zoren Legaspi.   Directed by award-winning filmmaker Lemuel Lorca and produced by Chris Cahilig, “Miss Q & A” tells the story of a romantically frustrated pageant trainer and […]