PSC tiwalang bubuhos ang suporta sa Pinoy athletes
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na bubuhos ang suportang pinansiyal para sa sports program ng mga atleta.
Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics kung saan sigurado na ang Pilipinas na makapag-uuwi ng apat na medalya tampok ang gold-medal performance ni Hidilyn Diaz.
Kaya naman tiwala si Maxey na tutugon ang kongreso sa mga pinansiyal na problema ng ahensiya.
Tinuldukan ni Diaz ang halos 10 dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya nang magreyna ito sa women’s 55 kg. sa weightlifting.
Naka-pilak naman sa women’s featherweight si Nesthy Petencio habang may tanso si Eumir Marcial sa men’s middleweight class.
Pasok naman sa finals si Carlo Paalam sa men’s flyweight matapos kubrahin ang unanimous decision win kay Japanese Ryomi Tanaka kahapon sa semifinals.
“Naiintindihan natin ang Kongreso pagdating sa budget, pero sa ipinakita ng ating mga atleta sa Olympics, at during the 2019 SEA Games were we won the overall championship, we’re hoping madagdagan kami ng budget,” pahayag ni Maxey sa TOPS ‘Usapang Sports’ via zoom.
May P250 milyong natanggap ang PSC sa National Appropriation Act habang nakakakuha ito ng karagdagang pondo mula sa PAGCOR.
Isa si Tokyo Olympian Cris Nieverez sa mga lubos ang pasasalamat sa suporta ng PSC sa kanilang programa.
Bagama’t sapat ang nutritionist at pychologist mula sa PSC, nais ni Nievarez na madagdagan pa ito ng personal gym instructor upang matutukan ang kanilang fitness.
-
Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3
NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Barangay Ginebra para agawin ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Governors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City. Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang tinapos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng […]
-
LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney
NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan. Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan. Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa […]
-
Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia
IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms. Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]