• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC umaasang mabibigyan ng sapat na pondo

Kung mabibigyan ng sapat na pondo ay maa­aring maulit o mahigitan pa ng Team Philippines ang kanilang performance sa nakaraang Tokyo Olympics sa paglahok sa 2024 Paris Games.

 

 

Gumastos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng humigit-kumulang sa P2.7 bilyon simula noong 2016 na nagresulta sa isang gold, dalawang silvers at isang bronze medal sa Tokyo Olympics.

 

 

Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, tutulungan sila ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakuha ng mas malaking pondo.

 

 

“Nakapag-exchange kami ng idea ni Congressman Bambol, if we can sustain the same P1.3 billion na ibinigay ng Kongreso last year, he mentioned na being a Congressman balak niyang dagdagan. So nasa kanya na iyan.”

 

 

Sa Tokyo Olympics ay naglabas ang PSC ng P200 milyon para sa preparasyon at pagsabak ng Team Philippines.

 

 

Nagresulta ito sa pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas bukod pa ang dalawang silvers nina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang bronze ni Eumir Felix Marcial.

Other News
  • ‘Player na ayaw magpabakuna palayasin sa team’ – NBA great Kareem Abdul-Jabbar

    Dumarami umano ang mga players at NBA personnel ang naaalarma habang nalalapit ang pormal na pagbubukas ng bagong season dahil marami pa ring mga players ang ayaw pa ring magpabakuna.     Bukas ay magsisimula na rin ang training camp at nasa 90% umano ng mga NBA players ang bakunado na laban sa COVID-19.   […]

  • Ads November 6, 2024

  • NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD

    Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.   Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.   Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.   Habang […]