PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers
- Published on May 8, 2021
- by @peoplesbalita
Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan.
Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions.
“Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, we wanted to honor our athletes who made the country proud, within boundaries of the safety protocols of course,” sabi ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Bumuhat ang national weightlifting team ng kabuuang dalawang gold, anim na silver at tatlong bronze medals sa Asian Weightlifting Championships at bagama’t walang nakuhang medalya ay pormal namang nasikwat ni 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang tiket para sa quadrennial event sa Tokyo, Japan.
Sinabi ni Ramirez na tatanggap si weightlifting prodigy Vanessa Sarno, kumolekta ng dalawang ginto at isang pilak, kasama sina Mary Flor Diaz, Elreen Ando at Kristel Macrohon ng cash incentives base sa Republic Act No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’. No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’.
Samantala, walang napitas na Olympic berth ang mga national fencers na lumahok sa Asia-Ocea-nia Olympic Qualifying Tournament.
Si Samantha Catantan lamang ang nakahirit ng bronze medal sa nasabing torneo sa Uzbekistan.
Nakasama ni Catantan sa nasabing kampanya sina Nathaniel Perez, Jylyn Nicanor, Noelito Jose, Hanniel Abella at CJ Concepcion.
-
Ultimatum sa 7 OVP officials: Dumalo o aresto
DUMALO o aresto! Ito ang ipinalabas na ultimatum ng House Committee on Good Government and Public Accountability laban sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na inisyuhan ng subpoena para dumalo sa nakatakdang pagdinig ng komite ngayong Lunes, Nobyembre 11. Ang House Blue Ribbon ay nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng P612.5 […]
-
4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino
WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila. Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]
-
Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis
Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida. Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3. Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon. Maglalaro pa […]