• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSG, pinaghahandaan na ang unang SONA ni PBBM

PATULOY ang ginagawang paghahanda ng  Presidential Security Group para siguraduhin ang seguridad na ipatutupad nito para sa gagawing pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa estado ng bansa sa darating na Hulyo 25, 2022.

 

 

Sa katunayan, pinangunahan ng PSG ang isang inter-agency meeting sa atas na rin ng bagong talagang PSG Commander na si Col Ramon Zagala.

 

 

Ang miting ay pinangunahan ni PSG Task Force SONA 2022 Commander Col Nelson Aluad ng Philippine Army kasama ang core group.

 

 

Sinasabing, kasama rin sa mga dumalo sa security meeting ang mga kinatawan mula sa iba pang government security agencies at units na nasa ilalim ng AFP, PNP, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Manila Internationa Airport Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, DOH at National Intelligence Coordinating Agency o NICA.

 

 

Kaugnay nito’y inaasahang magsisimula na ring magsagawa ng ocular at walk-throughs ang PSG sa mga susunod na araw at sa mismong araw ng SONA.

 

 

Sa kabilang dako, sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ay inaasahang ilalahad nito ang kasalukyang lagay ng bansa sa taong bayan gayundin ang  mga hakbang na  ilalatag ng kanyang Administrasyon sa harap ng mga nakaambang hamon at suliranin na kinakaharap ng bansa sa susunod na anim na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Desisyon ng Comelec, hihilingin na isaalang-alang

    HIHILINGIN  ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na isaalang-alang ang desisyon nito na ang poll body ay nakagawa ng grave abuse of discretion nang i-disqualify nito ang service provider ng Smartmatic bago ito makapagsumite ng anumang bid para sa 2025 elections .     Katunayan ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ay […]

  • Pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment

    PARA mapalakas pa ang serbisyo sa mga nangangailangang pasyente, pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng pagbabasbas ng walong bagong hemodialysis machine sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)

  • Locsin, binuweltahan si Duque: ‘Don’t ever question my motives’

    SINITA ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. si Health chief Francisco Duque nang pasinungalingan ng huli na nawala ang oportunidad ng Pilipinas na makakuha ng milyong “vaccine syringes” mula sa Estados Unidos.   Sinabi ni Duque na ang kasunduan na makabili ang Pilipinas ng 50 milyong syringes mula sa Estados Unidos ay nabasura dahil sa usapin […]