• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public consultation ukol sa panukalang Maharlika Wealth Fund Act

MULING nagsagawa ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ng konsultasyon para sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act” (MWFA).

 

 

Nakapaloob sa House Bill 6398 na maglaan ng pondo para sa anumang investments na gagawin ng mga Government Financial Institutions (GFIs), tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa hinaharap.

 

 

Nakatanggap naman ng garantiya ang komite mula kay GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Veloso na maipapatupad ang MWFA ng may full transparency kapag naging ganap  na batas.

 

 

Paliwanag nito, magkakaroon ng isang independent auditing firm,  Commission on Audit (COA) review, annual reports, congressional oversight, at internal at external reviews para masiguro na nagamit ng maayos at tama ang pondo.

 

 

“Ang layunin po natin dito ay magkaroon ng key investment industries and makapag-contribute sa nation-building,” ani Veloso.

 

 

Sa naturang pagdinig, ipinaabot din ng ilang grupo ang kanilang pag-aalala sa panukalang MWFA.

 

 

Isinulong naman ng grupong Bayan Muna, Professionals for a Progressive Economy, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK), at Federation of Free Workers, ang pagbibigay ng unemployment insurance, pagtaas ng sahod at pension, worker benefits, at government assistance.

 

 

Inaprubahan din ng komite ang isa pang amendment sa panukala na maglaan ng bahagi ng kita mula sa SSS at GSIS investments para taasan ang benepisyo at pensiyon ng mga miyembro.

 

 

Ang panukala ay isinulong nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. (Ara Romero)

Other News
  • Pinoy bets may 3 golds sa Para Games

    KUMANA ang Team Phi­lippines ng tatlong gintong medalya mula sa swimming at athletics sa ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia.     Pinamunuan nina Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan at Roland Sabido ang matikas na kamada ng Pinoy squad kahapon matapos mamayagpag sa swimming competition.     Hataw si Gawilan sa […]

  • Pinas, dapat palakasin ang local medicine production-PBBM

    KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang  ipinatupad na lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic ay dapat na nag-udyok sa Pilipinas para palakasin ang produksyon ng local medicines upang magkaroon ng sapat na stockpile sa panahon ng emergency.     “Let’s maximize the local production. The initial reason why this came up is the supply […]

  • Mas magaling daw na aktor kesa kay Aljur: VIN, flattered pero may kurot na nararamdam

    PANGALAWANG beses na pagsasama sa isang pelikula nina Vin Abrenica at Aljur Abrenica ang ‘The Revelation’. Unang nagkatrabaho ang magkapatid sa ‘Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli’ noong 2016. Ano ang advantage at disadvantage na makasama sa isang pelikula ang kanyang kapatid? “At first, honestly, ang iniisip ko yung mga disadvantage talaga noong una […]