• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public transportation, maaaring payagan sa panahon ng two week-ECQ-Padilla

MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program.

 

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit na uri ng quarantine simula Agosto 6 hanggang 20.

 

“Hindi na hihigpitan siguro nang lubos sa transportation sector dahil isang anunsyo na nilabas ni (presidential spokesman) Secretary Roque kamakailan ‘yung pagpapatuloy ng vaccination. Maski tayo naghihigpit sa ECQ, increased ramp up ang pagbabakuna ng kababayan,” ayon kay Padilla.

 

Tugon ito ni Padilla sa tanong sa kanya kung opsyon ba ng NTF na babawasan ang bilang ng public transportation.

 

Dahil na rin sa mayroong “race against time” para sa pagbabakuna, sinabi ni Padilla na inaasahan nila na darating na sa bansa ang 16.5 milyong doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Agosto.

 

“Sinusubukan dagdagan pa ito,” aniya pa rin.

 

Sa kasalukuyan, wala pa silang naipalalabas na guidelines para sa transportation sector  sa oras na maipatupad na ang ECQ.

 

Nauna rito, ipinanukala na ng transportation sector sa pamahalaan na panatilihin ang kasalukuyang public transportation supply sa panahon ng two-week ECQ.

 

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Delta variant COVID-19 cases, nagdesisyon ang pamahalaan na muling ipatupad ang ECQ, “strictest quarantine status,” na napagkayarian matapos na umapela ang Metro Manila Council para sa “stricter measures’ sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Other News
  • ‘The Prayer’ ni Marcelito Pomoy napiling ‘video of the year’ ng YouTube

    Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy.   Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the year sa Pilipinas kaugnay ng kanyang bersiyon sa “The Prayer.”   Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy.   Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the […]

  • 250K katao target bakunahan sa Metro Manila kada araw

    Target ng mga Metro  Manila mayors na maka­pagbakuna ng 250,000 katao kada araw habang nakataas ang ipatutupad na pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  chairman Benhur Abalos Jr.     Sinabi ni Abalos nitong Sabado na napag-usapan sa pulong ng Metro Manila Council […]

  • Ipagpapatuloy ang legacy at advocacy ni Susan: COCO, inamin na nasa puso na niya ang ‘the right one’

    OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin.     Si Coco ang hinahanap at napiling ‘The Rite One’ para ipagpatuloy ang legacy and advocacy ng Queen of Philippine […]