• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUGANTENG SOUTH KOREAN, INARESTO SA PORNOGRAPIYA

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagpapakalat ng pornograpiya.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente si  Jung Yonggu, 38, ay naaresto sa Cebu City sa bisa ng  Warrant of Deportation na inisyu nitong October laban sa kanya sa pagiging undocumented alien  at banta sa seguridad .

 

 

“The office received information of his crimes from South Korean authorities,” said Morente.  “Upon receipt of the information, we immediately filed a charge against him and conducted an investigation to locate and arrest him,” ayon kay Morente.

 

 

Ayon din kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy, si Jung ay may outstanding warrant of arrest na inisyu sa kanya ng Seoul Central District Court  noong November 2018 dahil sa pagpo- promote at sirkulasyon ng pornography na labag sa Criminal Code ng Republic of Korea.  Nagtago siya sa Pilipinas noong July 2018 upang takasan ang kanyang pananagutan.

 

 

Ang kanyang pasaporte ay kinansela na rin ng Korean government kaya maituturing siyang undocumented alien.

 

 

Si Jung ay responsible sa pagpapakalat  ng  mahigit 7,400 na malalaswang videos sa internet file sharing websites, isang daan upang ma-access ito ng mga online users. (Gene Adsuara)

Other News
  • Cojuangco, Romasanta at Barrios pararangalan ng PSA

    Tatlong mahuhusay na sports personalities ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) virtual Awards Night sa Marso 27.     Ito ay sina dating San Miguel Corp. Chairman/CEO Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Gintong Alay Project Director Joey Romasanta at dating PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios.     Bibigyan ng parangal sina Cojuangco, […]

  • Fahrenheit Cafe and Fitness Center sa E. Rodriguez, QC ipinasara ng QC LGU

        IPINASARA ng QC Local Government ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City.       Ito ay nang tumanggi ang nasabing establisimyento na makipagtulungan na papasukin ang contact tracing team ng City Epidemiology and Surveillance (SECU) Division para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sakit na […]

  • Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

    PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean […]