Pulis na dawit sa 990-kilo shabu na-contempt, kulong sa Senado
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
KULONG sa Senado ang pulis na dawit sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu matapos patawan ng contempt ng Senate committee on public order and dangerous drugs.
Hindi nagustuhan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang tila pag-iwas sa katanungan ni PNP-Drug Enforcement Unit Special Operations Unit chief Capt. Jonathan Sosongco, kaugnay sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon.
Sa pagdinig ng komite, hiniling ni Dela Rosa kay Sosongco na ibigay sa kanya ang numero ng kanyang impormante matapos tumanggi ang ibang pulis na sangkot sa mga operasyon na tumanggap ng tip sa 990 kilo ng shabu.
Sinabi ni Sosongco na wala na ang teleponong ginamit niya sa pakikipag-ugnayan sa impormante.
“Your honor, wala na po ‘yung cellphone ko na gamit po…’Yung cellphone na ginagamit sa trabaho hindi naman ito ang ginagamit. Wala na, your honor,” ani Sosongco.
Dahil dito, hiniling ni Dela Rosa kay Sen. Robin Padilla na gumawa ng mosyon para i-cite ng contempt si Sosongco.
“Sobra na itong panloloko na ginagawa sa atin dito. Nauubos na ‘yung oras natin dito,” ani Dela Rosa.
Sinuportahan ni Padilla ang panawagan ni Dela Rosa at naaprubahan ang mosyon. (Daris Jose)
-
MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT
Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila. Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway. Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]
-
Patuloy ang pagdagsa ng mga endorsement… MARIAN, turning forty na at very grateful sa lahat ng blessings
PATULOY ngang nadaragdagan ang mga endorsement ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil bukod sa isa siyang A-lister celebrity, siya ang kasalukuyang Box-Office Queen dahil sa isang bilyong pisong kinita ng ‘Rewind’ nila ng mister na si Dingdong Dantes nitong Disyembre 2023. Kaya naitanong naman Marian kung nabibilang pa ba niya ang […]
-
Tiangco brothers, nagpasalamat kay PBBM sa paglagda ng RA 12052
NAGPAABOT ng kanilang pasasalamat sina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglagda nito sa Republic Act No. 12052, na nagbibigay daan para sa pagtatatag ng tatlong karagdagang sangay ng Regional Trial Court at dalawang sangay ng Metropolitan Trial Court sa Navotas. “We thank President […]