• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis na lulong sa sabong, tiklo sa holdap

ISANG pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro matapos mahuli sa aktong nangholdap ng gasolinahan para umano pangtustos sa kanyang bisyo ng pagsusugal lalo na ang pagsasabong, sa bayan ng Trinidad, Bohol.

 

 

Kinilala ang nadakip na suspek na si Police Staff Sergeant Conchito Payac, 33, desk officer ng Dauis Police Station at residente sa Cantam-is Barangay Aguining, Pres. Carlos P. Garcia.

 

 

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joe­mar Pomarejos, hepe ng Provincial Intelligence Unit-BPPO, ala-1:00 ng hapon nang madakip ang suspek na hinoholdap ang gasolinahan sa Purok 4, Barangay Poblacion, Trinidad, Bohol.

 

 

Sinabi ni Pomarejos, na isinailalim nila sa surveillance si Pa­yac matapos sa sunod-sunod na holdapan sa gasolinahan sa bayan ng Alicia at Duero ng nasabing probinsya noong Dec. 1 at 7, 2022 at pinaniniwalaan si Payac ang pangunahing suspek.

 

 

Nakuha sa suspek ang P8,000.00, inisyu na service firearm nitong 9mm Glock pistol na may magazine, at motorsiklo na walang plate number.

 

 

Paniniwala ng pulis­ya posibleng hindi na nakayanan ng suspek na sustentuhan ang kanyang mga bisyo at maging ang mga alaga niyang panabong na manok.

 

 

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo si Payac at nanganganib na masibak sa serbisyo. (Daris Jose)

Other News
  • Gov’t-led job fair, tutulong para punan ang tourism labor shortage- DOT

    SA PAGPASOK ng buwan ng Setyembre ay magsisimula na ang  government-led tourism job fairs  para tugunan ang tourism labor shortages sa Pilipinas.     Pormal na tinintahan ng  Department of Tourism (DOT) at  Department of Labor and Employment (DOLE),   memorandum of understanding (MOU) noong Agosto 30 para sa paglulunsad  “Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair”. […]

  • Mga heinous-crime convicts, di dapat isama sa bawas sentensiya

    ISINUSULONG nina Reps. Paolo Duterte (Davao City) at Eric Yap (Benguet) na hindi mapabilang ang mga personalidad na nahatulan sa ginawang karumal-dumal na krimen sa pagkuha ng bawas sentensiya sa kanilang hatol gamit ang probisyon na good behavior.     Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill  4649 na naglalayong takpan ang sinasabing butas o […]

  • Mga dumalo sa 57th birthday campaign rally ni Robredo umabot sa mahigit 420-K

    PUMALO sa mahigit 420,000 bilang ng mga indibidwal na dumalo sa ginanap na campaign rally kasabay ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.     Ayon sa local event organizers ng naturang rally, umabot sa 420,000 ang kabuuang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo ang dumalo sa #ArawNa10to rally na […]