• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis naka motorsiklo namaril ng rider arestado

HAWAK na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Patrolman matapos mamaril at tutukan ng baril ang nakasabay na rider sa Tondo, Maynila.

 

Unang nagreklamo ang biktimang si Wally Montinola, 30 ng 1631 Int.17,Phase 360 Pacheco St.Tondo sa MPD-Police Station 1.

 

Ayon sa reklamo ng biktima, alas 11:30 ng gabi nang.mangyari sa insidente sa may Panday Pira St. Tondo.

 

Nakasabay umano niya ang suspek na si Patrolman Marlon Ace Jimenez,29,nakatalaga sa MPD-PS7 at residente ng 1656 N.Zamora,Tondo.

 

Pagsapit sa nabanggit na lugar bigla umanong binunot ng suspek ang kanyang baril at nagpaputok sa direksiyon ng biktima.

 

Hindi pa umano nasiyahan ang suspek at patuloy na tinutukan ang biktima kaya dumiretso na laman ito.MPD- PS1 kung saan boluntaryo naman sumuko.ang suspek.

 

Nang magkita sa presjnto,ay positibong kinilala ng biktima ang suspek na sitang bumaril at nanutok sa kanya ng baril.

 

Sanhi nito,itinurn-over ang kaso sa MPD-GAIS para sa kaukulang disposisyon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Romualdez nag-surprise inspection sa presyo ng sibuyas, bigas; hoarders binalaan

    NAGSAGAWA ng surprised inspection sa dalawang malalaking palengke sa lungsod Quezon si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin kabilang ang bigas at sibuyas.     Ayon kay Romualdez, nakatanggap sila ng report na tumataas ang presyo ng sibuyas at bigas kaya minabuti nilang inspeksiyunin ang mga palengke […]

  • Takot at nanginginig nang magpa-root canal: SHARON, aminadong hindi matapang pagdating sa mga dentista

    SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, shinare niya ang isang video last March 8 habang nasa sa dental chair at bago sa gagawing treatment na labis niyang ikinatatakot.     Caption ni Mega, “Please pray for me. Am about to get a root canal now.”     Say pa ni Sharon one-minute videro, “Hi, […]

  • ‘Ticket to Paradise’ Brings Back Big-Screen Romcom Feels, George Clooney and Julia Roberts Reunited

    YOU are cordially invited to a feel-good family romcom, “Ticket to Paradise,” starring blockbuster actors Julia Roberts and George Clooney along with Kaitlyn Dever (known for her roles in hit series Unbelievable and Dopesick) and Indonesian actor Maxime Bouttier who makes his Hollywood debut in the movie.   “Ticket to Paradise” is Directed by Ol […]