Pumanaw ang ina at kapatid sa iisang araw lang: MARIAH CAREY, nagluluksa at wasak na wasak ang puso
- Published on August 31, 2024
- by @peoplesbalita
SINAGOT na ng SB19 member na si Stell ang never-ending na tanong tungkol sa kanyang sexuality.
Noon pa raw kinukuwestiyon ang singer ng maraming netizens regarding sa kanyang sekswalidad. Para kay Stell, hindi raw dapat ito pinoproblema ng kahit sino.
“Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yung ganung klaseng bagay?
“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nilang ganun. Kasi if ever man ganun ako, what’s the problem?”
“So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” sagot ni Stell na mapapanood bilang isa sa coaches ng The Voice Kids kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at kanilang pinuno sa SB19 na si Pablo.
***
NAGLULUKSA ngayon ang tinaguriang Queen of Christmas na si Mariah Carey dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Patricia at kapatid na si Alison sa iisang araw lang.
“My heart is broken that I’ve lost my mother this past weekend. Sadly, in a tragic turn of events, my sister lost her life on the same day.
“I feel blessed that I was able to spend the last week with my mom before she passed. I appreciate everyone’s love and support and respect for my privacy during this impossible time,” sey ng 55-year old singer.
Naging open si Mariah sa kanyang memoir na hindi naging maganda ang relasyon niya sa kanyang ina nung lumalaki siya. Pero nagawa niyang maayos ito noong 2010 at nag-duet sila sa Christmas special niya.
Nakaranas naman ng physically and emotional abuse si Mariah sa kamay ng kanyang kapatid na si Alison. Hanggang sa pagpanaw nito, hindi niya ito nakita o nakausap sa mahabang panahon.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO
TARGET ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa. Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s […]
-
Nilinaw na walang offer sa ibang network: JENNYLYN, happy sa pagiging Kapuso at naghihintay lang ng kontrata
SI Jennylyn Mercado ang newest face ng Beautèderm’s Three-mendous Trio of Cristaux Serums. Sa naganap na launch ni Jennylyn bilang bagong celebrity ambassador ng Beautederm na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan, tinuldukan na ng Kapuso actress ang haka-haka at tsismis na lilipat siya o nagtangka siyang lumipat sa ABS-CBN. […]
-
Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao
NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao. Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo. Dahil sa magkakasunod na bagyo […]