• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUMATAY SA DATING BARANGAY KAGAWAD SA CAVITE, ARESTADO SA MAYNILA

ARESTADO  ang isa sa tatlong  akusado sa pagpatay sa dating barangay kagawad sa Maragondon, Cavite nang isilbi ang kanyang arrest warrant kagabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

 

 

Sa ulat ng MPD, inisyu ni Judge Ralph Arellano ng Branch 132 Naic, Cavite nag warrant of arresta laban sa naarestong akusado na si Arnold Lacañas,  30, helper, at may live-in partner na nakatira sa Blk.15-A Baseco Compound.

 

 

Si Lacañas ay may kinakaharap na kasong arson, robbery with homicide sa korte matapos pagtatagain si Raulito Aquino, 64, dating barangay kagawad ng Maragondon at residente ng  ng Brgy Bucal 2, Maragondon, Cavite.

 

 

Pagkatapos pagtatagain ang biktima ay sinunog pa ang kanyang resthouse kung saan natagpuan din itong sunog na sunog.

 

 

Napag-alaman na nauna nang sumuko ang kanyang kasabwat na sina Marvin Madugay Rosales ng Brgy Sapang 2 Ternate Cavite;  Mark Kevin Decin ng Brgy Sapang 2, Ternate  kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .

 

 

Ayon kay Lacañas, pinasok nila sa kuwarto ang biktima at pinagtataga matapos na hindi nila nagustuhan ang inasal at trato sa kanila ng konsehal nang sila ay kunin para gumawa ng kulongan ng manok.

 

 

Mag-iisang taon nang nagtago si Lacañas sa batas matapos ang ginawang krimen noong August 16,2020 kung saan sinabi nitong ayaw niyang magpakulong sa Cavite  dahil batid niyang hindi siya ligtas at mas safe aniya siya sa Maynila.

 

 

Naaresto ang akusado sa koordinasyon na rin ng Cavite Police sa MPD kung saan pinangunahan ni Capt. Edwin  B.Fuggan sa ilalim ng  liderato ni  PLtCol Robert Domingo, station commander ng Police Station 13 ng MPD. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award

    SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year.   Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]

  • Dagdag pang 1.3-M Moderna vaccines dumating sa PH

    Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.     Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.     Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot […]

  • Ads January 5, 2024