• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

 

 

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong Barangay kung ang aktibong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 10 at higit pa.

 

 

 

“Within three (3) hours from its issuance, the Order placing the barangay, or portion thereof, under Critical Zone Containment shall be forwarded to the City Mayor for his confirmation,” saad sa kautusan.

 

 

 

“The Punong Barangay shall give a two-day prior notice to his constituents and businesses/other stakeholders operating in the barangay,” dagdag pa ng EO.

 

 

 

Magsasagawa ng beripikasyon ang mga tauhan ng Manila Health Department (MHD) ang pagkakaroon ng mga aktibong kaso ng COVID-19 bago pa magsimula ang lockdown ng barangay.

 

 

 

Ayon sa Alkalde, ang lahat ng residente sa mga barangay na isasailalim sa lockdown ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kanilang bahay.

 

 

 

Gayunman, maaari lamang makalabas sa kanilang tahanan ang mga health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, at funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, at critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking at money services), barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.

 

 

 

“Station Commanders of Police Stations covering the said barangays are hereby directed to employ and deploy officers and personnel in strategic locations and areas necessary for the effective implementation of the ECQ,” saad pa sa EO.

 

 

 

Matatandaan na nasa 29 barangay sa lungsod, isang kalsada, at isang cluster lockdown ang isinailalim sa apat na araw na lockdown ngayong linggo.

 

 

 

Sa pinakahuling datos ng MHD nitong Miyerkules, nasa 3,667 aktibong kaso na ng COVID-19 ang kanilang naitala na may kabuuang bilang naman na 31,383 ang nakarekober o gumaling sa nasabing sakit at may kabuuang 866 ang nasawi.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • ELIJAH at ADRIANNA, waging Best Actor and Actress sa 2021 Central Boys Love Awards ng Brazil; TONY, ‘Hottie of the Year’

    BIG winners sa Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards ang mga Pinoy BL series.            Gameboys, ang first Pinoy Boys’ Love series ay nagwagi ng apat na awards: Actor of the Year (Elijah Canlas), Actress of the Year (Adrianna So), Couple of the Year (Cairo and Gavreel) and Cast of the Year.   Meanwhile, Gaya […]

  • 558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance

    LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.     Ayon sa […]

  • PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

    WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.   Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.   Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang […]