Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments
- Published on June 20, 2023
- by @peoplesbalita
MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.”
Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping.
“Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and take naman po kami sa mga taping schedules at sa iba pang lakad, Iyon po namang ibang schedules talagang obligasyon din po iyon, pero hindi po ako nali-late sa taping,” paliwanag pa ni Herlene.
“Pero marami rin pong salamat sa lahat ng nagsusulat sa akin, bad or good po, is still publicity.”
Pinatunayan naman ng mga seasoned actresses na sina Chanda Romero at Sandy Andolong na wala silang problema kay Herlene.
Si Chanda, first meeting pa lang daw niya kay Herlene: “kahit wala siyang tulog, kahit pagod na pagod na siya sa mga eksena niya, wala kang maririnig sa kanya, dahil nirerespeto niya ang mga kasama niya sa set. Kapag na-take 2 nga siya, napapaiyak na siya dahil sa sobrang hiya niya sa kaeksena at sorry siya nang sorry. For that, lalo kong minahal si Herlene.”
Si Sandy naman pinuri niya ang pagiging marespeto raw ni Herlene at gustong-gusto niya ang pagiging totoo at pagiging honest kung ano ang nararamdaman nito, “hindi siya talaga mahirap mahalin.”
Sa June 26 na mapapanood ang “Magandang Dilag” na makakasama ni Herlene sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon, at marami pang iba.
Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ito 3:25p.m. sa GMA Afternoon Prime, papalitan nila ang “AraBella” na nasa finale week na ngayon.
(NORA V. CALDERON)
-
PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor sa presyo ng bigas
NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hahabulin ng pamahalaan ang mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong President […]
-
Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas nasa 1,414, kaso iniakyat sa 564,865
Pumalo patungong 564,865 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Martes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 1,414. Nakikipagbuno pa rin naman ngayon sa sakit ang nasa 29,817 sa bansa, o ‘yung mga “aktibong kasong” ‘di pa gumagaling o namamatay. Nasa 16 naman ang bagong ulat […]
-
Kaya palaging inaabangan ng kanilang fans: KIM at XIAN, kakaiba ang sweetness at mga pasabog
IBANG klase ang sweetness nina Kim Chiu at Xian Lim at talaga namang inaabangan na rin ng mga fans nila kung ano ang bagong pasabog na surprises ni Xian para kay Kim tuwing may okasyon. Sa vlog ni Kim, inamin nito na sa lahat daw ng roses na binibigay sa kanya ng boyfriend, […]