• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUWERSA NG MPD, HANDA NA SA COC FILING

KASADO na ang puwersa ng Manila Police District (MPD) para sa filing ng certificate of candidacy na magsisimula bukas Oct.1.

 

 

Halos 400 pulis ang naka-standby para ideploy sa walong araw na filing ng COC ayon kay MPD Director Brog.Gen.Leo Francisco.

 

 

Ayon naman kay Police Capt. Philipp Ines, ang tagapagsalita ng MPD, kailangang matiyak ang seguridad at kaligtasan, sa panahon ng COC filing, na magiging kaiba ito dahil may banta ng COVID-19.

 

 

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang MPD sa Pasay City Police para sa pagbabantay sa paligid ng Sofitel Philippine Plaza Manila na lugar ng paghahain ng COCs ng mga aspiring candidate sa pagkapresidente, bise presidente at senador.

 

 

Nakapagsagawa na rin aniya ng ocular inspection ang MPD sa mga lugar na kanilang posibleng pwestuhan at bantayan.

 

 

Bukod sa paligid ng Sofitel, tututukan din ng MPD ang iba pang field office ng Comelec kung saan maghahain ng COC ang mga lokal na kandidato.

Other News
  • “SHAZAM!” FACES THE “FURY OF THE GODS” IN THE SEQUEL’S NEW TRAILER

    NEW Line Cinema has just revealed the brand new trailer and poster of the superhero adventure, “Shazam! Fury of the Gods.”       Check it out below and watch the film only in cinemas across the Philippines starting March 15.     YouTube: https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0     Facebook: https://fb.watch/iiridU6xS3/     About “Shazam! Fury of the Gods”   […]

  • Kasama na sa pagtakbo

    NAKAILANG sesyon na po ang inyong lingkod sa jog-run na sinimulan ko noong Mayo.   Kahapon ng umaga, naka-30 minutes ako.   May kahirapan ang may nakakabit na face mask kapag nag-i-sprint ka, run o kahit jog lang.   Kaya ang ginagawa ko po kung walang katabi, kasalubong o masasalubong na tao sa tinatahak kong […]

  • Ads October 5, 2022