• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PVL players sasailalim sa swab test

Kagaya ng mga pumasok sa bubble sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay sasailalim din sa proseso ang 12 koponang sasabak sa unang professional tournament ng (PVL) sa Mayo 8.

 

 

Ito ang sinabi kahapon ni PVL president Ricky Palou sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum sa pagharap ng liga sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

“What we want them to do is when they enter the bubble is about four or five days before they enter the bubble is have their swab test. And when they come in they will have another swab test,” ani Palou.

 

 

Gagawin ng PVL ang kanilang torneo sa loob ng bubble sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna.

 

 

Bukod sa swab test ay tinitingnan din ng PVL bilang opsyon ang saliva test na 12 oras lamang ang kailangan para makuha ang resulta.

 

 

Ang mga tropang mag­lalaro sa PVL tournament ay ang F2 Logistics, PLDT Fibr Hitters, Creamline, Bali Pure, Unlimited Athletes Club (UAC), Cignal HD, Phi-lippine Army, BanKo Perlas, Choco Mucho, Petro Gazz, Cherry Tiggo at Sta. Lucia.

 

 

Sinabi rin ni Palou na nakaorder na ang Choco Mucho (Rebisco) at Petro Gazz ng COVID-19 vaccines na plano rin nilang ialok sa mga PVL players at teams.

 

 

“What I know is Rebis­co (Choco Mucho) and Petro Gazz have ordered on their own and I’m not sure how they did this,” ani Palou. “They’re saying they ordered enough vaccines which they want to offer also to players.”

 

 

Inaasahang gagastos ang PVL ng humigit-kumulang sa P20 milyon para sa kanilang bubble tournament kumpara sa inilabas na halos P70 milyon ng PBA para sa 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

 

 

Itinira ng PBA ang 12 koponan sa Quest Hotel habang ang mga laro ay idinaos sa Angeles University Foundation sa Angeles, Pampanga.

Other News
  • Halos 15-K vehicles, nadagdag sa mga lansangan ng NCR nang mag-umpisa ang Disyembre – MMDA

    INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya.     Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, ito ang pangunahing dahilan ng mga traffic buildup sa iba’t-ibang mga […]

  • Leptospirosis cases sa ‘Pinas nasa 878 na; 84 nasawi – DOH

    NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod na rin ng mga nakalipas na mga pag-ulan at pagbaha. Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang […]

  • ANGEL at BEA, na-try na mag-cheat sa exam, skinny dipping at mag-watch ng porn

    SOBRANG nakakaaliw ang naging confessions nina Angel Locsin at Bea Alonzo nang laruin nila ang sikat sa online na “Never Have I Ever” challenge.     Isa nga sa pinag-uusapan sa latest YT vlog ni Bea ang tanong na “tried activity or sport just to please my partner”.     “I have” ang pag-amin ni […]