QC LGU, NAGDAOS NG SEMINAR PARA SA MGA SENIOR CITIZEN
- Published on January 30, 2024
- by @peoplesbalita
NAGDAOS ng isang digital seminar ang Local Government Unit ng Quezon City at ang Globe Group na naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa mga mamamayan na nasa senior age na, kaugnay sa patuloy na umuunlad at pabago-bagong digital landscape sa bansa sa pamamagitan ng “Teach Me How To Digi” #SeniorDigizen Learning Session.”
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang proyektong ito ay upang magabayan ang mga senior citizen ng lungsod na makahabol at makasabay sa modernong teknolohiya.
Ayon pa sa Alkalde, prayoridad ng lungsod ang mga senior citizen ng lungsod lalo na sa usapin ng public service upang matulungan silang maging produktibo.
Tinuruan sa nasabing event ang nasa 400 na senior citizen ng pagseset-up ng email address, pagggamit ng smartphone at ang paggamit ng e-wallet na G-Cash at ang telehealth service na KonsultaMD.
Dagdag pa ni Belmonte, malaki ang maitutulong ng mga kaalamang ito sa mga senior QCitizens para makasabay sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa makabagong teknolohiya.
Sabi pa niya Lubos tayong nagpapasalamat sa Globe sa kanilang programang ito para sa mga matatanda sa Lungsod Quezon na magbibigay daan sa kanila para maging produktibo sa kabila ng kanilang edad.
Ang proyektong ito ay alinsunod na rin sa layunin ng QC LGU na idigital na ang mga transakyon sa city hall, gaya ng pag-aaply ng permit at pagbabayad ng buwis. (PAUL JOHN REYES)
-
Bunsod ng patuloy na umiigting na pag-atake ng Russia: Mas marami pang Pinoy, dumating sa Pinas mula Ukraine
DUMATING na sa PIlipinas, araw ng Linggo ang mas marami pang Filipino at kanilang dependents mula Ukraine. Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may “4 Filipino adults, 3 Filipino-Ukrainian children at kanilang Ukranian mothers” ang dumating sa Pilipinas, araw ng Linggo via Qatar Airlines flight. Ang […]
-
Instituto Cervantes de Manila to Stream Spanish Documentaries for Free!
TO highlight the rich diversity of viewpoints and narratives, Instituto Cervantes de Manila is presenting this May the online film cycle “Zonazine”, a showcase of Spanish and Latin American documentaries. The films will be shown through the Instituto Cervantes channel on the Vimeo platform (vimeo.com/institutocervantes) and will be freely accessible for 48 hours from their […]
-
Halle Berry’s Action Vehicle ‘Moonfall’ New Trailer Reveals an Interstellar Plan to Save the Earth
Halle Berry action vehicle Moonfall new trailer has just released. The film tells the story of an unlikely team of individuals who are tasked with saving the Earth when the moon is knocked off its orbit and comes hurtling towards earth. Directed by Roland Emmerich, who is known for directing many sci-fi epics like Independence Day and The […]