• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC MAYOR JOY BELMONTE, pormal nang nanumpa para sa kanyang ikatlo at huling termino

PORMAL nang nanumpa si Mayor Joy Belmonte sa kanyang tungkulin sa harap ni Supreme Court Chief Alexander Gesmundo para simulan ang kanyang ikatlo at huling termino bilang punong ehekutibo ng lungsod.

Pinangunahan ng incumbent mayor ang 2025 Inaugural Ceremony ng mga duly elected officials ng Quezon City at si Supreme Court Chief Alexander Gesmundo ang nag-officiate ng oath taking ng mga halal na opisyal ng Quezon City, at ito ay isinagawa sa MICE Center sa Quezon City Hall Compound nitong June 30, 2025.

Sa kanyang talumpati, muli niyang pinagtibay ang good governance, masinop na pananalapi, inclusivity at mas malawak na social services para sa mga vulnerable sector.

Binanggit din ng alkalde na sa mga achievements at recognition na natanggap ng lungsod, ang Quezon City na ang pamantayan ng good local governance.

Sabay ding nanumpa sina Vice Mayor Gian Carlo Sotto at ang buong konseho ng lungsod at ang mga nahalal na mga congressman.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Belmonte sa konseho ng lungsod sa buong suporta nito sa nakalipas na anim na taon at nangako siya na hindi mag-aaksaya ng anumang oras upang pagsilbihan ang tatlong milyong QCitizens sa kanyang huling termino. (PAUL JOHN REYES)