Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC
- Published on March 10, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol.
“We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. Earthquakes can happen anytime without warning and sometimes they can be as devastating as what happened in Türkiye,” ayon kay NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno.
Magsasagawa kasi ang NDRRMC ng first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), mamayang alas-2 ng hapon.
Si Nepomuceno, isa ring administrator ng Office of Civil Defense (OCD) ay nagpahayag na mahalaga ang paghahanda para bawasan casualties dahilan ng malakas na lindol.
“Preparedness always matters. Let us work together to reduce the possible impacts of earthquakes. We hope for the widest participation in the upcoming drill,” dagdag na wika nito.
Ang main ceremonial na pipindot at magdidiin sa button na pangungunahan ng NDRRMC officials ay gagawin sa Camp Aguinaldo, Quezon City at nakatuon sa magnitude 7.2 earthquake scenario.
Susundan naman ito ng isang functional exercise kung saan ang mga magpapartisipa ay mga miyembro ng NDRRMC members,
Ang Regional DRRMCs naman sa kabilang dako ang mangunguna sa implementasyo ng sabay-sabay na earthquake drills sa kani-kanilang mga lugar.
“The exercise seeks to test the capabilities of the member agencies in responding to the impacts of a devastating earthquake and the existing harmonized contingency plan for the magnitude 7.2 earthquake in Greater Metro Manila,” ayon sa ulat.
“NDRRMC member agencies, including the assisting regional DRRMCs, are expected to demonstrate their interoperability and coordinating mechanisms on earthquake disaster response,”ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)