Quezon City LGU, GSIS kapit-bisig sa pabahay program
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan.
Sa ilalim nito, ang GSIS ay magtatayo ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka- nangangailangang GSIS members.
Titiyakin naman ng Quezon City Government at pamunuan ng Barangay Fairview na mabibigyan ng in-city relocation ang mga maaapektuhang pamilya.
Ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ay bahagi ng selebrasyon ng ika-86 anibersaryo ng pagkakatatag ng GSIS, na pinaunlakan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Lumagda sa MOA sina GSIS President at General Manager Jose Arnulfo ‘Wick’ Veloso, Vice Mayor Gian Sotto, Chief of Staff Rowena Macatao, at Barangay Fairview Chairperson Jonel Quebal na sinaksihan ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Ramon Asprer at HCDRD Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero.
-
41% na nang higit sa 72 milyong balota…. 30 milyong balota naimprenta na para sa May 2025 national at local elections
NAKAPAG-imprenta na ang Commission on Elections (Comelec) ng halos 30 milyong balota para sa mahigit 72 milyong balota sa kabuuang gagamitin sa May 2025 national at local elections. Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang nasabing bilang ay 41% na para makumpleto at hahabulin pa ang pag-imprenta ng mas malaking porsyento. Samantala, ang […]
-
Durian business deal na naisara sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa China, umaarangkada na. Tone- toneladang durian, sinimulan ng i-export
NAGSIMULA nang i-export ng Pilipinas ang tone – toneladang durian sa China na pawang mula sa Mindanao. Tinatayang 28-toneladang durian cargo o nasa 28 libong kilo ng durian ang dinala na sa China at inilipad via Davao International Airport matapos na pumasa sa General Administration Customs of China. Kamakalawa, Sabado de Gloria ay […]
-
Sangkot sa pastillas scheme pinakakasuhan
PINAKAKASUHAN na ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) sa Office of the Ombudsman ng kasong administratibo at criminal ang 86 personalidad na sangkot sa umanoy ‘Pastillas Scheme’. Sa 27 pahinang reklamo ng NBI-SAU na inihain sa Ombudsman, pinangalanan ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Immigration na bahagi umano sa ‘Pastillas group’ at […]