Quezon City LGU mas pinalakas kampanya vs cervical cancer
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
HIGIT pang pinalakas ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglaban sa sakit na cervical cancer sa mga kababaihan na sinasabing ikalawang karaniwang sakit sa mga babae.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakipag-ugnayan na ang QC LGU sa Department of Health (DOH) at Jhpiego Philippines para sa pagtataguyod ng community-based cervical cancer screening program para sa QCitizens.
Sinabi ni Belmonte na simula sa susunod na buwan, iaalok na ang libreng high-performance Human papillomavirus (HPV) DNA testing sa mga piling SouthStar Drug outlets at sa QC Health Department’s partner Women Workers for Health Empowerment (WHEN).
Aniya may pharmacist na tutulong sa mga kliyente at sa oras na naibalik na ang sample sa drug store, ibibigay ito sa laboratory ng Philippine Business for Social Progress (PBSP) para sa resulta ng screening.
Sakaling nagpositibo ang kliyente, bibigyan agad ito ng thermal ablation intervention sa Batasan Lying-in Clinic o sa Old Balara Health Center.
Kung mayroon namang makikitang lump o bukol sa cervix, irerekomenda ang pasyente sa kapartner na ospital.
Noong 2022, nasa 4,380 na babae ang nasawi dahil sa naturang sakit ayon sa 2022 Global Cancer Observatory (GLOBOCAN) report.
“This program reflects Quezon City’s unwavering commitment to safeguarding women’s health and well-being. By making cervical cancer screening more accessible and convenient, we are empowering women and enabling a healthier society,” pahayag pa ni Mayor Belmonte.
-
Ipinagbubuntis na ang first baby nila ni Hyun Bin: IG announcement ni SON YE-JIN, top trending worldwide
TOP trending worldwide nang kumpirmahin ng Korean actress na si Son Ye-jin na buntis na siya sa first baby nila ng asawang si Hyun Bin. Sa pamamagitan ng official Instagram account na @yejinhand, ibinalita nga niya ito sa kanyang mga fans and social media followers sa buong mundo. Panimula ng K-actress, “Hello […]
-
P500 cash assistance, bigay ng mga pulis sa mahihirap na mag-aaral sa Tondo
SINIMULAN na ng Manila Police District (MPD)-Moriones Station ang pagbibigay ng buwanang cash assistance sa ilang pinakamahihirap na mag-aaral ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Manila kahapon ng umaga. Nabatid kay Moriones Police commander PLtCol Harry Lorenzo III, na 35 mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade VI na pinakamahihirap sa kanilang batch […]
-
Acknowledgement receipt na isinumite ng OVP sa COA sa pangalan ni Mary Grace Piattos bogus – Rep. Chua
BOGUS ang isinumiteng acknowledgement receipt na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) sa ilalim ng pangalan ni Mary Grace Piattos. Ito’y matapos maglabas ng ulat ang Philippine Statistics Authority (PSA) na wala sa kanilang record ang isang Mary Grace Piattos. Ayon kay Manila […]