Quezon City LGU pinabongga 2025 Pride Festival
- Published on June 30, 2025
- by @peoplesbalita
HIGIT pang pinalawak at pinaganda ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pinakamalaking Pride festival sa Pilipinas at Southeast Asia katuwang ang Pride PH at University of the Philippines Diliman.
Ayon kay Belmonte, pagpapakita ito ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan bilang bastion of free expression, inclusivity, at environmental stewardship. Itinataguyod din ang sustainability ngayong taon sa LoveLaban 3 Pride Festival.
“We cannot end inequality without addressing the climate crisis. Through our Pride celebrations, we aim to empower LGBTQIA+ communities to become changemakers and to be at the forefront of our shared fight for equality, inclusivity, and climate justice,” pahayag ni Belmonte.
Para mas maging sustainable pa ang Pride celebration, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng anim na key climate actions na naka-focus sa waste reduction, low-carbon mobility, at water conservation.
Una rito ang single-use plastics ay ipinagbabawal ang mga plastic bags at water bottles sa mga event at hinikayat ang mga negosyante na gumamit ng reusable at biodegradable packaging para makasunod sa sustainability goals ng lungsod. Naging matagumpay ang nasabing inisyatibo sa katatapos na Pride Run.
Pormal nang binuksan kahapon ang Pride Expo sa UP diliman sa pangunguna ni Mayor Belmonte.