• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin

Inaanyayahan ng ­Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ayon kay CESU chief Dr. Rolando Cruz, ang mga residente na may sintomas ng COVID-19, gaya ng trangkaso at ubo, matapos pumila sa community pantry, ay kinakailangang agad na magpasuri.

 

 

“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” pahayag ni Dr. Cruz.

 

 

Aniya, ang mga apektadong residente ay maaaring magpa-book ng appointment online sa http://bit.ly/QCfreetest o tumawag sa QC Contact Tracing Hotlines: na 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, at 0931-095-7737.

 

 

Samantala, umapela rin naman ang CESU kay Locsin at sa kanyang grupo na makipag-ugnayan at makipagtulu­ngan sa lungsod sakaling may matukoy silang sinumang indibidwal na nangangailangang ma­suri kaagad.

 

 

Para naman sa kanyang panig, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Locsin dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa o philanthropic works sa lungsod, kasabay nang apela sa kanya na tumulong din sa pagtukoy ng mga potensiyal na kaso ng sakit.

 

 

“Nanawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng CO­VID-19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa,” panawagan pa ni Belmonte.

 

 

Para naman sa kanyang panig, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Locsin dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa o philanthropic works sa lungsod, kasabay nang apela sa kanya na tumulong din sa pagtukoy ng mga potensiyal na kaso ng sakit.

 

 

“Nanawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng CO­VID-19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa,” panawagan pa ni Belmonte.

Other News
  • Miller ready nang sumabak sa Beijing Winter Olympics

    HANDANG-handa na si Fil-American Asa Miller para sa kanyang ikalawang pagsabak sa Winter Olympic Games sa Beijing, China.     Lalahok si Miller, nasa kanyang ikalawang sunod na Winter Olympics appearance, sa men’s Giant Slalom sa Pebrero 13 at sa Slalom event sa Peb­rero 16.     “Talagang he dedica­ted himself full time just to […]

  • Umiyak na parang bata at naghagulgulan silang mag-ama: KEEMPEE, emosyunal na nagkuwento sa pagbabati nila ni JOEY

    SA unang pagkakataon ay mahabaang nagkuwento si Keempee de Leon tungkol sa pagbabati nila ng amang si Joey de Leon. Halos limang taon silang hindi nag-usap bago muling nagkaroon ng koneksyon sa set ng Eat Bulaga! sa TV5 nitong June 15, 2024, isang araw bago ang Father’s Day. “Last year lang ng Father’s Day, talagang sinadya ko talaga siya […]

  • Kasama sa napiling ‘People of the Year 2025’: KRIS, first time na nagpakita sa publiko para suportahan si MICHAEL LEYVA

    PINAG-USAPAN ang first public appearance ni Queen of All Media Kris Aquino pagkatapos ng maraming taon. Dumalo si Kris sa awarding ng ‘People of the Year 2025’ ng PeopleAsia magazine na kung saan kasama sa pinarangalan ang kanyang malapit na kaibigang fashion designer na si Michael Leyva, kaya sinuportahan niya at personal na i-congratulate. Makikita nga […]