• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QUIAPO CHURCH ISA NANG ARCHDIOCESAN SHRINE

INILAGAY  na sa katayuan ng isang Archdiocesan Shrine ang parokya ni San Juan Bautista na karaniwang kilala bilang Simbahan ng Quiapo.

 

 

Ito ay matapos aprubahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang petisyon ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng parokya.

 

 

“We hereby decree that the Minor Basilica of the Black Nazarene – St John the Baptist Parish (Quiapo Church), be conferred the title of the Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene,” sabi ng Manila archbishop sa isang kautusan na may petsang Mayo 10.

 

 

“By this Decree of Erection, We likewise grant to the said Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene all the rights and privileges as embodied in the statutes which we also approve at the same time,” dagdag pa.

 

 

Inanunsyo nitong Miyerkules ang bagong katayuan ng Quiapo Church sa isang misa na pinangunahan ni Fr.Reginald Malicden, ang archdiocese’s vicar general.

 

 

Sa kanyang homily, binigyang-diin ng pari na ang   deklarasyon sa simbahan bilang “archdiocesan shrine ay  “long overdue”.

 

 

“But for us devotees, whether there is a formal declaration, or none is made, this church is a real shrine because here we feel the presence of God,” sabi ng pari.

 

 

Inaprubahan din ang merito sa petisyon sa  pagsangguni sa komunidad ng Minor Basilica of the Black Nazarene — St. John the Baptist Parish (Quiapo Church) at ng Presbyteral Council.

 

 

Upang maging isang diocesan shrine ang isang simbahan,  bukod sa iba pang mga kinakailangan, ay dapat na isang lugar ng makasaysayang kahalagahan, panalangin at pilgrimage  para sa isang espesyal na dahilan ng kabanalan.

 

 

Ang  parokya ay naghain ng petisyon na humihiling sa obispo  na itaas ang simbahan.

 

 

Ang Quiapo Church ay naging tahanan ng imahe ng Black Nazarene na dinadagsa ng mga deboto tuwing Enero 9.

 

 

Noong 1987, itinaas ni St. John Paul II ang simbahan bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa papel nito sa pagpapalakas ng malalim na debosyon kay Hesukristo at ang kontribusyon nito sa kultura sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. GENE ADSUARA

Other News
  • Zero active COVID cases target ng Navotas

    INIHAYAG ni Mayor Toby Tiangco na zero active COVID-19 cases ang hangad niyang makamit para sa kanyang nasasakupan.   Kaya’t muling hinikayat ni Tiangco ang mga residente at manggagawa sa lungsod na makilahok sa libreng community testing ng lungsod para sa COVID-19.   Ngayong Oktubre maliban sa huling araw ng buwan ay nagtakda ang City […]

  • 18 bata at 1 adult patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas

    PATAY ang 18 bata  at 1 adult matapos na sila ay pagbabarilin sa isang elementary school sa Texas.     Kabilang sa nasawi ang 18-anyos na suspek na namaril sa Robb Elementary School.     Pawang mga mag-aaral ang nasawi at isang guro ang namatay.     Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang detalye […]

  • Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa […]