• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quirino exit ng Skyway 3 binuksan

Binuksan ng San Miguel Corp. (SMC) ang southbound Quirino exit ng Skyway Stage 3 elevated expressway sa mga motorista para sa Class 1 na sasakyan.

 

 

Ayon sa SMC, ang Skyway Stage 3 Quirino southbound exit ay makakatulong sa mga motorista na galing sa Balintawak at Quezon Avenue na makapunta sa Manila sa loob lamang ng 20 minuto mula sa dating 1.5 na oras kung walang traffic.

 

 

“With more private vehicles diverted to Skyway Stage 3 their way back from the North Luzon Expressway or coming from Quezon Avenue to Manila, traffic on major public roads and streets usually utilized as short cuts or alternate routes will be a thing of the past,” wika ni SMC president Ramon Ang.

 

 

Makakatulong ito ng malaki sa paglutas ng pagsisikip sa mga lansangan at ang paglalakbay ay magiging mabilis at madali para sa mga taong-bayan.

 

 

Sa kasalukuyan ang expressway ay mayron ng 15 operational ramps. Ang SMC ang siyang gumawa at gumastos sa pagtatayo ng Skyway Stage 3 project. Nagkakahalaga ng P80 billion na pondo mula sa SMC ang ginastos sa pagtatayo ng Skyway Stage 3 project.

 

 

Ang Skyway Stage 3 project ay binuksan noong nakaraang January kung saan ito ay nagdudugtong mula sa Buendia hanggang Balintawak at vice-versa.

 

 

Sinabi rin ni Ang na ang SMC ay dedicated sa pagbibigay ng kumportable, ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis na pagbibiyahe ng publiko upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila at ng magkaron ng paglago sa lahat ng lugar na kayang puntahan.

 

 

“We remain dedicated to providing convenient and seamless travel for motorists to help decongest Metro Manila and enable growth in all areas that we reach,” dagdag ni Ang.

 

 

Dumating din sa inagurasyon si Department of Public Works ang Highways (DPWH) kung saan niya sinabi na ang buong pagtatayo ng Skyway Stage 3 ay makapaglilihis ng 75,000 na mga sasakyan na dumadaan sa EDSA o di kaya ay C-5.

 

 

Sinabi rin niya na ito ang patotoo sa sinabi ni President Duterte na kanyang pangako na mababawasan ang traffic sa EDSA. Ang Skyway Stage 3 project ay isang proof na ang pribado at ang pamahalaan ay maaari magtulong-tulong sa paghahanap ng solusyon sa problema sa traffic sa Metro Manila.

 

 

Ang Skyway 1 at 2 ay isang Skyway system na may 38-kilometer elevated expressway at may 36 on-and-off ramp access points na magpapabuti sa accessibility, transportation at traffic conditions sa buong Metro Manila. (LASACMAR)

Other News
  • Abalos, wala pang naisusumiteng ‘short list’ ng mga posibleng maging susunod na hepe ng PNP kay PBBM

    INAMIN ni Department of Interior And Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na wala pa siyang naisusumiteng ‘short list’ ng posibleng maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).     Ito’y sa gitna ng nakatakda ng pagreretiro ni PNP Chief Dir Gen Benjamin Acorda sa March 31.     Sa press briefing […]

  • TUPAD ‘di ginagamit sa ‘Cha-cha’ – DOLE

    ITINANGGI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na gina­gamit ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program kapalit ng pagpapapirma para sa “people’s initiative” na magtutulak sa pag-amyenda sa Konstitusyon.     Kasunod ito ng mga pagbubulgar ng ilang mambabatas na ginagamit umano ang TUPAD para mapapirma ang mga […]

  • 5 wanted na ‘rapist’, nalambat sa manhunt ops Caloocan

    HIMAS-REHAS ang limang lalaki na pawang akusado sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa pinaigting na manhunt operations kontra wanted persons sa Caloocan City. Dakong alas-11:20 ng gabi nang makorner ng tumutugis na mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals sa Jasmin St., Bicol Area, Brgy., 175, ang 20-anyos na construction worker […]