• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RABIYA, inaming nanonood ng BL series at ‘huge fan’ ng Thai Superstar na si MARIO MAURER

INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ‘huge fan’ siya ng Thai Superstar at latest brand ambassador ng TNT na si Mario Maurer.

 

 

Sa short interview ng Thai Sashes na kilalang fashion blog sa kanilang bansa, sinabi ni Rabiya nang dumating siya sa Seminole Hard Rock Hotel sa Florida, USA, “I’m so excited to go visit Thailand. I’m a huge fan of Mario Maurer.

 

 

     “To be honest, I’ve been watching your boy love series yeah maybe soon I will be able to go to the country of smiles.”

 

 

Labis ngang hinangaan ng Thai Sashes si Rabiya sa pagiging mababa ang loob at nag-sorry pa sa pagiging late.  Siya kasi ang huling dumating sa official residence ng 69th Miss Universe candidates, siyam na oras daw nilang hinintay si Rabiya para ma-interview at makunan ng photos at masaya naman sila na makita nag Pinay beauty queen.

 

 

Agad naman siyang nagpa-sample ng kanyan signature na ‘Hala Bira’ walk at pinagkaguluhan ng ilang beauty pageant fans.

 

 

Kinunan din si Rabiya ng mensahe sa nag-aabang na Pinoy fans.

 

 

“I’m so sorry, I got here late, I know a lot of my Filipino fans are waiting for me there in the Philippines, maraming salamat po.

 

 

     “And yes, we’re gonna fight and we’re gonna do our best to perform really well on May 16. Thank you guys!”

 

 

Samantala, youtube channel ng The Jack’s Corner nilabas ang final predictions para sa Miss Universe 2020, pasok nga si Rabiya sa mga nanungunguna at malakas din sa fan votes.

 

 

Ang Top 20 ay kinabibilangan ng mga candidates mula sa Thailand, Peru, Brazil, Mexico, South Africa, Philippines, Canada, Romania, India, Indonesia, Australia, Puerto Rico, Chile, Vietnam, USA, Argentina, Venezuela, Russia, Czech Republic at Spain.

 

 

Goodluck Rabiya, bring back the crown!

 

 

***

 

 

PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pasasalamat sa pinadalang cake noong nakaraang linggo ng kanyang anak-anakan na si Sarah Geronimo.

 

 

Caption ni Mega, Thank you dear bunso @justsarahgph for the yummy Cereal Milk Tres Leches Cake that you made for me!

 

 

Uuyyy nagbebake na si misis! Hahaha! Miss you and love you always! Ate.

 

 

Puring-puri naman ng netizens ang pagiging sweet ni Sarah kay Sharon, pero mas marami ang nakapansin sa maganda niyang penmanship, na isa raw sa pinag-aralan ng Popstar Royalty.

 

 

May nag-comment pa na parang nahahawig ito sa penmanship ni Sharon.  May nagwi-wish na raw ay magkasama rin ang dalawa sa isang project.

 

 

Well, attention Viva Films, baka naman! (ROHN ROMULO)

Other News
  • Batangas LGU payag na magsilbing host sa training ng mga PBA teams

    Pumayag na ang mga opisyal ng Batangay City government na tumayo bilang host sa training ng ilang PBA teams, bilang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng liga.     Kasunod ito nang pulong nina PBA Commissioner Willie Marcial at Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua kahapon, Mayo 1, kasama sina Batangas City mayor Beverley […]

  • Pamilya Donaire nakatutok sa laban bukas sa The Filipino flash

    NAKATUTOK  ang pamilya Donaire dito sa lungsod sa laban bukas ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa Japanese boxing star na si WBA, IBF champion Naoya Inoue.     Sa interview umapela ng pagdarasal sa publiko si Lolit Donaire-Damalerio, residente ng Barangay Bula para sa pagkapanalo ng kanyang pamangkin .     […]

  • Edad 12-15 posibleng isama na sa bakuna

    Posibleng makasama ang mga kabataang may edad 12 hanggang 15 taong gulang sa ‘vaccine priority list’ makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na kanilang pinag-aaralan na ito.     Sinabi ni DOH Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani na pinag-uusapan na sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) kung paano sila magkakaroon ng […]