RABIYA, nambulabog na naman sa pinost na maiksing buhok at may nag-akalang si ‘Liza Soberano’
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
NAGING usap-usapan nga noong Lunes sa social media ang pinost ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kung saan nag-selfie na may maiksing buhok na ayon sa netizens ay bumagay naman sa kanya.
Ginulat nga ni Rabiya ang kanyang 1.7 million IG followers, marami nga ang biglang naniniwala at napa-wow sa kanyang new look, pero hindi pala totoong pinagupit na ang kanyang mahabang buhok, kaya naglagay siya ng caption sa IG post ng, “nah just bluffing.”
Sa comments section, marami nga ang naniniwalang nagpagupit siya ng buhok at isa na rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nag-comment ng, “you got me.”
Maging si Miss Supranational Philippines 2013 Mutya Datul ay nagsabi na inakala niyang si Rabiya ay ang aktres na Liza Soberano dahil sa totoo lang, magkahawig sila.
Sabi naman ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, “Charotera.”
Samantala, hindi pa nakababalik ng bansa si Rabiya after nga niyang mag-compete sa 69th Miss Universe na kung saan umabot naman siya sa Top 21.
Balita kasing gusto munang mag-unwind ni Rabiya at posible rin na hanapin niya ang kanyang ama na balitang nasa Amerika.
May kumalat din na tsismis na kinukuhan raw siya na maging modelo ng Victoria Secret, na kapag nagkatotoo ay rarampa ang Pinay beauty na hinahangaan sa kanyang alindog at kaseksihan sa National Costume at Swimwear competition.
***
SUPER saya na pinost ni Kim Molina na naka-50M views na ang trailers ng movie nila ni Jerald Napoles na Ang Babaeng Walang Pakiramdam na mula sa direksyon ni Darryl Yap na mapapanood sa Vivamax ngayong June 11.
At may bonus pa na ikinatuwa niya dahil nasa Top 5 naman ang Momol Nights na streaming na sa Netflix.
“Lucky number 5 po tayo ngayon mga lods! From #ABWP 50M combined trailer views to #MomolNightsNetflix TOP 5 on Netflix PH! HUHU!! Maraming salamat po! Lablab ko kayo malala!!! Stay safe and have a blessed happy weekend!”
“P.S. Paano ba sumali sa lotto? itaya kaya natin lods para hayahay HAHAHAHA.”
Pero pagkaraan ng isang araw pumasok na ito sa Top 3 kaya muling nag-post si Kim sa kanyang FB account kahapon, May 24.
Caption niya, “Good morning!!! Huhu katabi ko si ate mo Angelina!!! Kinikilig ako hahaha!
“Salamat mga ka-momol kahit 2019 pa ang movie kong ito pinapanood niyo pa rin. Thank you #MomolNightsNETFLIX #Top3.”
Pahabol na post pa niya, “P.S. Di ko rin sure kung sobrang saya dahil ang dami niyo nang nakasulyap sa pwet ko. Anuto. HAHAHAHA!!!! Sorry sa mga naumay. No choice ka pinindot mo ang “Watch” eh hahahaha. Lablab! ”
(ROHN ROMULO)
-
Valenzuela nagsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa paghahanda sa reading camp 2024
NAGSAGAWA ang Valenzuela City, sa pakikipagtulungan ng Synergeia Foundation at DepEd Valenzuela ng komprehensibong pagsasanay para sa mga guro bilang paghahanda para sa Valenzuela Reading Camp 2024 sa WES Events Space Lawang Bato. 64 na guro, na kilala rin bilang “reading coordinators ang sumailalim sa komprehensibong pagsasanay sa pagtuturo sa Valenzuela Reading […]
-
PDuterte, nais na masampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philhealth
DESIDIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Kaya nga, independent o hiwalay ang Ombudsman sa binuong Task Force Philhealth ng Malakanyang na nagsasagawa rin ng imbestigasyon sa talamak na anomalya sa ahensya. Ayon kay presidential spokesper- son […]
-
INKA MAGNAYE TO VOICE THE SCARAB FOR PHILIPPINE RELEASE OF WARNER BROS. PICTURES ALL-NEW MOVIE “BLUE BEETLE”
MANILA, August 2 – Warner Bros. Philippines has announced today that Filipina voice talent and content creator Inka Magnaye will voice the Scarab – an ancient alien relic pivotal to the titular DC Super Hero’s story – for the Philippine release of Warner Bros. Pictures’ upcoming action-adventure “Blue Beetle.” In the film, the Scarab, […]