• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rarampa sa City of Love bukod sa Rome: SOFIA, invited sa second part premiere ng ‘Emily in Paris’

LUMIPAD ang Sparkle teen star na si Sofia Pablo sa Rome for business and little bit of R&R.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ng ‘Prinsesa ng City’ Jail star ang kanyang excitement sa pagpunta sa Rome.

 

 

“Off to Rome for some new adventures ✨… and a little something with @emilyinparis Season 4 stay tuned,” caption pa niya.

 

 

Invited din si Sofia sa magiging second part premiere ng Netflix series na ‘Emily in Paris’ on September 12. Kaya rarampa rin si Sofia sa City of Love.

 

 

***

 

 

TULUYAN nang nagpaalam si Che Ramos-Cosio sa kanyang karakter sa award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.

 

 

Sa episode na ipinalabas noong nakaraang Biyernes, September 6, malungkot na ibinalita ni Dr. Luke (Andre Paras) na pumanaw na si Dra. Katie, ang karakter ni Che sa serye.

 

 

Sa Instagram, makikita ang post ng aktres tungkol sa pagpapaalam niya kay Dra. Katie.

 

 

Sulat ni Che sa caption: “Rule 1…I sincerely loved Katie Enriquez. What an absolute joy to have been able to be in her shoes! As an actor it is not often to come across a character so easy to love… It wasn’t so much the character but what she stood for that we really loved.

 

 

“Maybe we loved her for her grit, her honesty, her integrity, straightforwardness and choosing to fight for what is right. So maybe we all loved the giant in her. It is my hope that the giant in her inspires the same in us. Maraming Salamat, Doc. Paalam at hanggang sa muli.”

 

 

Nakilala si Dra. Katie sa serye bilang istriktong chief resident sa APEX Medical Hospital na kalaunan ay nagtrabaho rin sa Eastridge Medical Hospital.

 

 

Siya rin ang isa sa mga doktor na labis na hinangaan ni Dra. Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.

 

 

Nakilala si Che Ramos sa paglabas nito sa mga indie films tulad ng Captive, Mariquinq, Toto, MNL 143, Ka Oryang, Mangatyanan at Ataul For Rent.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Brazilian musician na si Sergio Mendes noong nakaraang Sept. 6.

 

 

Ang iconic musician na nagdala ng bossa nova to international audiences noong 1960s, ay namaalam sa edad na 83 sa Los Angeles, California.

 

 

Ayon sa statement ng kanyang pamilya, matagal na nagkasakit si Mendes na epekto ng pagkakaroon niya ng COVID virus.

 

 

Nanalo ng tatlong Grammy Awards and one Oscar nomination si Mendes mulacaa kanyang 35 albums na naging gold at platinum.

 

 

Huli siyang nag-perform ay noong November 2023 in Paris, London and Barcelona.

 

 

Ayon sa American musician Herb Alpert: “Mendes was an extremely gifted musician who brought Brazilian music in all its iterations to the entire world with elegance and joy.”

 

 

Kabilang sa mga naging hit singles ni Mendes ay Mas Que Nada, The Fool On The Hill, Never Gonna Let You Go, What Do We Mean To Each Other, The Look Of Love, Magalenha, Bridges, Going Out Of My Head, and With A Little Help From My Friends.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Jeepney group humihingi ng P5 fare hike

    ISANG  grupo ng mga jeepney operators at drivers ang humingi ng tulong sa pamahalaan na payagan silang magtaas ng pamasahe ng P5 sa mga public utility jeepneys (PUJs).     Ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ay naghain ng isang petition para sa fare hike ng mga PUJs sa […]

  • RADSON, MATT at RAPHAEL, napiling gumanap na Mark, Big Bert at Little Jon sa ‘Voltes V: Legacy’

    NOONG Lunes nang gabi sa 24 Oras, ni-reveal na ng GMA Network ang first 3 members ng Voltes V: Legacy.               Unang pinakilala ang gaganap bilang Mark Gordon na si Radson Flores, na sumali sa reality show na Starstruck noong 2019. Hindi siya nakapasok sa Final 14 dahil sa twist na “Second Chance Challenge” nakabalik siya […]

  • Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo

    Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020.     Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at […]