‘Rastro’ fans nina RHIAN at GLAIZA, nabubuhay na naman dahil sa mga post nina KYLIE at ANDREA
- Published on July 24, 2021
- by @peoplesbalita
KUNG dati ay talagang may pag-iwas sina Dominic Roque at Bea Alonzo na mag–post na magkasama sila, ngayon, open na ang mga ito.
Nagpo-post na sila ng mga ganap nila habang magkasamang nagbabakasyon sa U.S. at tina-tag na rin nila ang isa’t-isa. Tulad nga ng recent camping nila.
In fairness sa dalawa ha, physically bagay ang mga ito. Ang ganda nilang tingnan together. Siguro nga kung ang pagbabasehan ng tulad ng ginagawa ng iba na sa status ng career ay hindi magka-level, bilang isang Queen na ang status ni Bea, e, ano naman, wala naman talagang level o status kapag love na ang pinag-usapan.
Iba naman ang level o status ha sa may nasasagasaan halimbawa may iba na palang karelasyon. Both single naman sila.
Marami rin netizens na kinikilig sa dalawa at nagko-comment na “kilig na kilig ako!” “rooting for them.”
Pero may netizen din na nakapansin na tila parang paligsahan daw ng mga ganap ang BeaDom at JuRalds naman na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, huh!
***
HANGGANG ngayon, buhay na buhay pa rin ang mga naging fan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos dahil sa naging serye nilang The Rich Man’s Daughter.
Napakaraming naging fan ng dalawa at umasang totohanan ang mga roles nila.
Nabubuhay na naman ang mga fan nila na karamihan ay lesbian dahil sa mga post nina Kylie Padilla at Andrea Torres. Obviously, tulad nina Glaiza at Rhian, mga lesbian din ang characters na gagampanan nina Kylie at Andrea.
Nag-comment si Glaiza nang, “awooo” sa post ni Kylie. Ang dami na agad nag-comment kay Glaiza at halos iisa ang sinasabi, lahat ay nagtatanong dito kung kailan daw babalik ang Rastro.
“Glai, ‘wag mong sabihin na wala ng rastro?”
“Anong awoo te glai??? Di pa kami tapos sa rastro.”
“Waiting pa rin sa rastro comeback.”
“Sana di mo pa rin kami nakakalimutan, ‘yung mga rebels mo.”
Ang rastro ay ang nabuong pangalan ng mga fan ng “loveteam” nina Rhian at Glaiza.
(ROSE GARCIA)
-
JOHN LLOYD, posibleng makasama si MAINE sa isang romcom series; MARIAN, game ding makatambal ang aktor
KUMALAT ang tsikang posibleng makatatambal ni Marian Rivera si John Lloyd Cruz sa isang romcom series na mala-Korean drama raw ang dating. Bukas naman si Marian na nilulutong project sa kanila ng GMA Network at napa-’why not?’ pa raw ang Kapuso Primetime Queen. Pero nabasa rin namin sa twitter na may […]
-
Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games
PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam. Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit […]
-
Ads March 28, 2024