• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena paramdam na tuloy sa B.League

UNANG bumulaga ang pasabog ng Shiga Lakestars napapirma na si Philippine Basketball Association star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX bilang Asian Quota player o import sa 6th Japan B.League 2021-22 nitong Miyerkoles ng hapon.

 

 

Ilang oras ang nakalipas, nilabas ng statement ang North Luzon Expressway na naggigiit na kailangang sumunod sa UPC o Uniformed Players Contract ang 27-year-old, six-footer Ilonggo point guard ng Road Warriors.

 

 

Hinirit pa na ang posisyon ng team ay  alinsunod lang sa UPC at polisiya ng pro league. Pero si Ravena tila nagparamdam na tuloy na ang pagsama sa batang utol na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa land of the Rising Sun.

 

 

Huwebes ng hapon, todo pasasalamat na siya sa NLEX management at ilang matatas opisyal na naging bahagi ng kanyang career sa PBA at sa Gilas Pilipinas o national men’s team.

 

 

“In light of Wednesday announcement, I would like to thank my team, Shiga Lakestars, for this once-in-a-lifetime opportunity. Thank you for the trust and belief that a Filipino can perform and play in such a prestigious league. Domo arigatou gozaimasu,” pahayag ng basketbolista.

 

 

Kung titimbangin ang post ni Ravena, pinayagan na siya ng big bosses ng koponan sa pangunguna ni owner Manuel V. Pangilinan.

 

 

Nagpasalamat na rin siya kina Metro Pacific Investment Corp. chief Rod Franco, team executive Ronald Dulatre, si coach/team manager Joseller ‘Yeng’ Guiao at mga kakampi. (REC)

Other News
  • Tinanggap ang movie dahil walang filmfest entry si Vic: JOEY, nagtampo talaga kay TONI nang umalis sa ‘Eat Bulaga’

    CONGRATULATIONS sa top-rating GMA Primetime series na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.       Ang serye ang tumanggap ng 1st Gawad Banyuhay Award para sa Programang Pang-edukasyon, held at the Manila Ballroom ng Manila Hotel last Monday, December 12.     Si Barbie Forteza ang tumanggap ng […]

  • 18 katawan, naiahon na; retrieval operation sa Batangas landslide, gagawin nang 24/7

    UMABOT na sa 18 labi ang nahukay ng mga otoridad sa nagpapatuloy na operasyon sa Brgy Sampaloc, Talisay City, Batangas, kung saan pinaniniwalaang nabaon ng buhay ang mahigit 20 katao dahil sa biglaang pagguho ng lupa.     Kabilang sa mga unang nahukay ang labi ng 12 bata, ilan sa kanila ay naka-yakap pa sa […]

  • ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19

    Nasa ‘full capacity’ na kahapon ang COVID-19 intensive care units  ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga batang tinatamaan ng COVID-19.     Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib […]