• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches

Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo.

 

 

“We would like to thank Mr. Enrique Razon for providing our Olympics-bound athletes with vaccines,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kahapon.

 

 

Ang paparating na Mo­derna vaccine ay nagkakahalaga ng $26 ( P1,250).

 

 

Tanging sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mayroon pa lamang Olympic berth.

 

 

Hindi kasama ang mga elite athletes sa prayoridad ng gobyerno na bigyan ng COVID-19 vaccines dahil hindi sila itinuturing na frontliners.

 

 

“I’m sure that with the generosity of Mr. Razon, especially in these difficult times, would further spur our athletes to focus on the Olympics without fear of getting infected,” sabi ni Tolentino sa chairman ng International Container Terminal Services Inc.

 

 

Naniniwala rin ang POC chief na matutuloy ang 2021 Tokyo Olympics bagama’t may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Japan.

Other News
  • Mga fans at netizens, halu-halo ang naging reaction: SIXTO, niregaluhan ng wooden ‘Pinocchio’ nina DINGDONG at MARIAN

    PARA sa fourth birthday ni Sixto IV last Sunday, April 16, isang wooden Pinocchio angregalo nina Marian Rivera at Dingdong Dantessa bunso nila.     Favorite daw kasi ni Sixto na panoorin ang “Pinocchio”, ayon kay Dingdong.   Kasama ang series of photos, nilagyan ito ng caption ng host ng top-rating show na ‘Family Feud’ […]

  • 3 dam sa Luzon muling nagpakawala ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan

    MULI na namang nagpakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga Dam kahapon.     Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat.     Batay sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas […]

  • Sa Hong Kong sila nagsu-shoot ng movie: WIN at JANELLA, kinumpirma na ang pagtatambal sa ‘Under Parallel Skies’

    DAHIL naglalabasan na rin naman kung sino ang Thai actor na leading man ni Janella Salvador sa ginagawang movie at kasalukuyang sinu-shoot ngayon sa Hong Kong, ang “Under Parallel Skies,” nagkaroon na nga ng video announcement sina Janella at ang Thai actor na si Win Metawin.       Ang movie ay under Squared Studios, […]