Red alert mananatili hanggang sa susunod na linggo – DOE
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Mananatiling nasa red alert ang Luzon grid sa susunod na linggo pero inaasahan ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na rotational brownouts sa Luzon hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Sinabi ni Electric Power Industry Management Bureau director Mario Marasigan na kapag walang makakapasok na planta ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo ay mananatiling nasa below red line pa rin ang suplay ng kuryente sa Luzon dahil kukulangin ng power reserves.
Gayunman, kung may papapasok na planta sa mga susunod na linggo hanggang July 1, bababa ang konsumo at hindi na magkakaroon ng rotational brownout pero nasa yellow alert pa rin ang Luzon.
Naisailalim sa Red at Yellow alerts ang MM at ibang lalawigan sa nagdaang tatlong araw dahil sa pagbaba ng reserve ng Luzon grid dahil sa pagtigil ng operasyon ng ibang power plants kaya’t nakaranas ng rotating power interruptions sa naturang mga lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads October 3, 2023
-
PBBM, pinangunahan ang paggunita sa ika-106 birth anniv ng ama
“A TRUE Filipino and Ilocano icon.” Ganito kung ilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, matapos pangunahan ng batang Marcos ang wreath laying at commemoration activities sa ika-106 birth anniversary ng kanyang namapayapang ama sa Batac, Ilocos Norte, araw ng Lunes. Sa heartwarming […]
-
DFA, idinepensa ang pag-abstain ng Pinas sa UN resolution na nananawagan ng Israel-Hamas ‘humanitarian truce’
NAGPALIWANAG si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung bakit nag-abstain ang Pilipinas mula sa pagboto sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nananawagan ng “immediate, durable, and sustained humanitarian truce leading to a cessation of hostilities” sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas. Ang katuwiran ni Manalo, hindi kasama sa panukalang resolusyon […]