• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Red alert sa suplay ng kuryente, nagbabadya

INAASAHAN ng Department of Energy (DOE) na mailalagay ang Luzon Grid sa ‘Yellow Alert Status’ ng 15 beses habang nagbabadya rin ang pagdedeklara ng ‘red alert’ ngayong taon.

 

 

Ayon sa DOE, inaasahan ang yellow alerts ngayong buwan ng Mayo, ilang linggo sa Hunyo, Agosto, ­Setyembre, Oktubre at sa Nobyembre.

 

 

Nangangahulugan ang yellow alert na mayroon na lamang manipis na reserba ang power grids.

 

 

Sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, na ang pinakahuling projection nila ay base sa ‘worst-case scenario’ at kasalukuyang problema sa transmisyon.

 

 

“The delays, unfortunate ano, sana ‘yung delay hanggang before summer sana, but then it extended all after summer pa matatapos, that’s why we have this situation,” saad ni Guevarra.

 

 

Posible namang magkaroon ng red alert kung mauulit ang power tripping tulad ng naganap nitong nakaraang Lunes.

 

 

Nangangahulugan naman ang ‘red alert status’ na may ‘zero ancillary service’ at matinding kakulangan sa ‘power generation’. Nagdulot ito ng ‘rotational brownouts’ sa Metro Manila nitong nakaraang Lunes.

 

 

Ito ay dahil sa limang planta ng enerhiya ang nagpatupad ng puwersahang ‘outages’ habang tatlo pa ang mababa ang kapasidad dahil sa ‘tripping’ na naganap sa Bolo-Masinloc transmission line.

 

 

Naghihintay pa ang DOE ng opisyal na paliwanag, pero sa inisyal na impormasyon, naganap ang tripping dahil sa mabigat na ulan at kidlat na tumama sa transmission line.

Other News
  • Tanggap na gusto nang makasama ang amang si FPJ… Sen. GRACE, nagsalita na tungkol sa biglang pagpanaw ng ina na si SUSAN

    NAGSALITA na si Sen. Grace Poe tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces noong nakaraang May 20.     Ayon sa senadora, nabigla raw silang lahat sa pagmamaalam ng kanyang ina. Pero tanggap naman daw nila ang nangyari dahil gusto na raw nitong makasama ang kanyang […]

  • Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

    Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]

  • Olympic torch relay isasagawa na sa March 2021

    MAY bagong petsa ng napili ang organizers ng Tokyo Olympics sa torch relay.   Isasagawa ang nasabing actibidad sa Marso 2021.   Ang nasabing aktibidad ay ipinagpaliban ngayong taon dahil sa banta ng coronavirus.   Nasa Japan na ang Olympic flame mula sa Greece na isinagawa ito bago pa man ang coronavirus pandemic.   Sa […]