• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

 

 

Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon.

 

 

Hindi isinantabi ng health expert ang posibleng kagagawan ng mga natuklasang bagong variant ang pagtaas ng mga kaso.

 

 

Sa kabila ng mga tagumpay na nakamit ng pamahalaan para makontrol ang pagkalat ng virus, maaaring bumabalik naman ang COVID-19 na mas ma­lakas dahil nga sa mga variants.

 

 

Sa datos ng OCTA Research Group, higit na mataas ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nga­yon kumpara noong Hulyo-Agosto 2020.

 

 

Nakapagtala ng ave­rage 1,025 bagong kaso sa NCR mula Pebrero 28 hanggang Marso 6. Tumaas ito ng 42 porsyento kumpara sa datos ng sinundang linggo at tumaas ng 130 por­syento kumpara sa nakalipas na dalawang linggo nito.

 

 

Umakyat din ang reproduction rate ng NCR sa 1.66 na huling naitala noong Hulyo 2020.

 

 

Aminado rin ng OCTA Group na ma­aaring dulot nga ito ng bagong strain ng virus tulad ng South African, United Kingdom at iba pang mutations na higit na nakakahawa kumpara sa orihinal na variant.

 

 

Umakyat rin ang positivity rate sa NCR ng 8% sa nakalipas na isang linggo habang ang hospital occupancy ay nasa 44% na at ang ICU occupancy rate ay nasa 53%.

 

 

Apat na lugar sa Metro Manila ang tinukoy ng OCTA Group na may pinakamataas na mga kaso. Kabilang dito ang Pasay City, Makati City, Malabon City at Navotas City.

Other News
  • DINGDONG, happy and proud na binahagi ang katuparan ng dream nila ni Mommy ANGELINE

    SOBRANG nakaka-touch pinost ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang social media accounts, ilang araw bago ang selebrasyon ng Mother’s Day sa buong mundo.     Last year, isang short film ang ginawa ni Dingdong para bigyang pugay ang lahat ng mga ina, kasama na ang asawa na si Marian Rivera-Dantes, na featuring sa […]

  • Tuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo – PACC

    “KAILANGAN po nating ipagpatuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo sa susunod na henerasyon.” Ito ang naging panawagan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa publiko.   Aniya, ang pangarap lamang aniya noong bata pa siya na maging pulis dahil gusto niyang ipagtanggol ang mga naaapi at supilin ang kasamaan. Iyon […]

  • Animal lover at Kapuso actress Carla Abellana, may feeding program sa mga stray animals

    Siguradong ikatutuwa ng mga fans ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang balitang ito, dahil matutupad na ang request nila sa GMA Network na bigyan ng isang serye ang idolo nila.  Matagal-tagal na rin ang huling teleserye na ginawa ni Julie Anne, sa Kapuso Network, ang “My Guitar Princess,” noon pang July, 2018.  […]