• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Red-Scare o Red-Tagging sa mga nag-organisa itigil na!

“Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay batay sa kakayahan”. 

 

 

Yan ang motto ng Maginhawa Community Pantry at ilan pang katulad nito na tinatangkilik ng mga nangangailangan at nagbibigay ng pangangailangan. Maraming natutulungan at tumutulong. Pero nabalot sa kontrobersya nang nag post sa official FB ng Quezon City Police District ng pag “red-tag” sa mga nag-organize nito kaya pansamantalang itinigil muna ni Ana Patricia Non ang kanyang community pantry dahil sa panganib sa kanilang seguridad. Dumistansya ang Palasyo sa isyu at maraming bumatikos sa QCPD. Dahil sa init ng batikos ay humingi ng paumanhin ang QCPD at tutulong na raw sila. May isang opisyal din na nagpahayag na kailangan pa raw ng permit ang mga organizer ng community pantries sa mga LGUs.

 

 

Pero dahil sa batikos na inabot sa sa social media binawi na rin ang pahayag na ito. Bakit ba nagka red-tagging pa ang napakagandang konsepto ng community pantries?

 

 

Dahil ba ang ilang organizer ay makakaliwa? Marahil kung Malasakit Community Pantry ito at may ribbon-cutting ng mga pulitiko ay hindi magkakaganito.  Una ano ba talaga ang ikinatatakot sa komunismo. Aba pag banyagang komunista ay kulang na lang paalipin tayo tulad ng China at Russia. Pero pag komunistang Pinoy ay iba ang turing ng gobyerno. Masama ba ang konsepto ng komunismo?

 

 

Ang communism ay isang political ideology na pinangunahan ni Karl Marx at Frederick Engels.  Sa China naman ay nanguna si Mao Tse Tung. At sa halos lahat ng bansa kahit sa America ay may mga komunista.  Dito naging notorious ang isang Amerikanong Senador na si Joseph McCarthy na hango sa pangalan ang tinaguriang McCarthyism.

 

 

Yun panahon niya noong mga 1950s ay marami siyang pinagbintangan at pinanghinalaang mga komunista raw sa Amerika at nanguna sya sa mga imbestigasyon. Ito ang RED SCARE na tinatawag ngayong RED TAGGING. Wala naman napatunayan si McCarthy pero naging matagumpay siya na takutin ang daang libong amerikano sa RED SCARE.

 

 

Sa atin ngayon ay tila ganito ang taktika ng ilan – ang RED SCARE. Pag kritikal sa polisiya ng gobyerno o may kiling sa makakaliwang paniniwala ay komunista na agad ang bansag! Balikan natin ang community pantry sa maginahawa street – ang ginagawa ba doon ay propagandang komunista?  Magkakaroon ba ng pag-aaklas kung kukuha ka ng sapat sa iyong pangangailangan at magbibigay ka ayon sa iyong kakayahan? Sa panahon ng COVID19 at gutom ang problema wala tayong kulay pulitika na dapat pang tingnan. Pula, puti, dilaw asul – lahat yan ay kulay na nasa bandila ng Pilipinas.

Other News
  • Ads June 12, 2021

  • PNP kumambiyo, ‘hatid sundo’ ng non-APOR sa APOR papayagan na

    Papayagan na rin ang mga non-authorized persons outside of residence (APOR) na maghatid-sundo hindi lang sa Health workers, kundi sa lahat ng essential workers.     Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos na humingi ng guidance sa National Task Force kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR simula […]

  • Mister timbog sa baril at P578K shabu sa Caloocan

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang hinihinalang tulak ng illegal na dorga matapos makuhanan ng baril at mahigit P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Fahad […]