Rehab ng EDSA gagamitan ng bagong teknolohiya
- Published on June 14, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG bagong teknolohiya o paraan ang gagamitin sa gagawing rehabilitasyon sa
EDSA kung kayat hindi na gagamitin ang conventional na paraan ng pag-aayos nito.
Ito ang naging pahayag ng Department of Transportation (DOTr) ni DOTr Secretary Vince Dizon matapos na suspendihin ni President Ferdinand E. Marcos, Jr. ang
gagawing rehabilitasyon na sana ay sisimulan ngayon kalagitnaan ng buwan.
“We cannot do the project in a conventional way. The rebuild as presented will not
be followed. It will be scrapped, the President ordered us to change the whole plan to final a better way,” wika ni Dizon.
Suspendido ng isang buwan ang gagawing rehabilitasyon na sana ay sisimulan ngayon buwan ng June.
Pinahinto mismo ni Marcos ang nasabing rehabilitasyon at nagbigay siya ng kautusan na humanap ng paraan upang mababawasan ang pagkakaron ng mahirap na
kalagayan sa mga motorista at ng maiwasan rin ang masamang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Ang P8.7 bilyon na proyekto ay dapat matapos sa loob ng 2 taon lamang subalit dahil suspendido, ito marahil ay tatagal pa kung hindi gagamitan ng bagong teknolihiya.
“We need a better way to ensure that our people are not inconvenienced for two years. I want it done in six months or if possible, less than a year,” saad ni Dizon.
Ang proyekto sa rehabilitasyon ng EDSA ay pinangungunahan ng Department of
Public Works and Highways (DPWH) na naglalayon na magkaroon ng reconfigure and
EDSA upang ito ay maging isang green at walkable highway. Ang DOTr at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay ang mga ahensya ng pamahalaan ang siyang naatasang tutulong sa nasabing proyekto. Sinigurado naman ni
Dizon na hindi na mababago ang halaga ng rehabilitasyon.
Sa kabilang dako naman, may 205 na driving schools ang nahaharap sa pagsasara habang may 88 na local opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nahaharap sa paglilitis dahil sa mga iba’t ibang anomalya
na kanilang kinasasangkutan,
Isa sa mga offenses ay ang non-appearance issuance ng theoretical at practical driving certificates sa mga estudyante ng mga driving schools. Kasama rin sa mga paglabag ay ang tampering sa access ng Land Transportation Management System
(LTMS) upang makuha ang Theoretical Driving Course (TDC) at Practical Driving Course (PDC) certificates ng mga kanilang kliyente na mas marami kaysa sa tinalagang daily limit na binigay ng Land Transportation Office (LTO), at ang pagbibigay ng PDC at TDC certificates kahit non-completed ang mga kailangan oras dito. Ganon din ang pagbibigay
ng certificates na non-appearance para sa PDC at TDC.
“There will be 88 heads of the agency’s district offices will be issued with Notice to Explain (NTE) why they either tolerated or did not act on the anomalies involving the driving schools within their respective areas of responsibility,” ayon kay LTFRB chairman Vigor Mendoza.
Ang TDC at PDC ay mga certificates na kinakailangan upang ang isang motorista
ay mabigyan ng driver’s license.
Dagdag din ni Mendoza na sila
ay nagbigay ng SCOs laban sa may 160 medical clinics dahil sa pagbibigay ng non-appearance certificates sa mga aplikante ng driver’s license.
“Our aggressive campaign against these people will continue. This should serve as
a stern warning to those who are still engaged in these kinds of illegal activities to do the right thing,” saad ni Mendoza. LASACMAR