• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon

SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  sa press briefing sa Malakanyang  kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto.

 

 

Sinabi ng Kalihim na  aabot sa P170 bilyong piso ang gagastusin sa naturang proyekto na magpapataas sa bilang ng mga pasahero   at magpapaganda sa air traffic movement.

 

 

Sa oras aniya na mayroon ng  winning bidder ngayong taon ay masisimulan na ang proyekto sa 2024.

 

 

Target aniya sa  rehabilitation sa NAIA  ay ang makasabay ang  Pilipinas sa iba pang mga bansa kung pag uusapan ay standards ng paliparan.

 

 

Inamin ni  Balisacan na napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit-bansa nito gaya ng Singapore at Thailand dahilan para kagyat na simulan ang proyekto.

 

 

Samantala, maliban  sa NAIA rehab, kabilang din sa inaprubahan ng NEDA board ang Samar Pacific Road Project at ekspansyon at  maintenance ng Lagindingan Airport sa Misamis Oriental. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, umapela sa EU na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista

    UMAPELA ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.   Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y […]

  • DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers

    PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers.     Sa katunayan,  nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga  healthcare at non-healthcare workers.     Ayon sa DBM, […]

  • DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19

    Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases.   Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa […]