• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rekomendasyon ng DoH, inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Forec (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na palakasin ang pagpapatupad sa minimum public health protocols sa mga indibidwal gaya ng patuloy na paggamit ng face mask, faceshield, hugas at iwas.

 

Kinakailangan din ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa Covid 19.

 

Para naman sa mga establisimyento, ang pagpapatupad ng mga risk mitigation, strategies, engineering controls, ventilation at contact tracing at  pag-measure sa compliance at sa pag establish ng baseline.

 

Sa mga Local Government Units (LGUs) naman ayon kay Sec. Roque ay kinakailangan aniya na ipatupad ang Covid-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic or CODE sa pamamagitan ng pinalakas na mobilisasyon ng barangay health emergency response team.

 

“Kasama nga po dito ang paghahanap at pagtiyak ng lahat ng suspected cases na isasailam po sa RT-PCR, yung tracing at pag quarantine ng lahat ng close contact sa loob na susunod na 24 oras, yung testing ng close contacts na nagakroon ng sintomas gamit ang RT-PCR at ang pagsisimula ng contact tracing maging sa mga suspect cases,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kasama rin sa CODE ang pagmomonitor sa mga workplaces at iba pang closed settings tungkol sa kanilang case data at pagsunod sa minimum public health standards.

 

Idagdag pa ang pagtiyak na tamang handover sa LGUs ng mga returning Overseas Filipinos at mga papasok na mga international travelers para masiguro ang pagsunod at makumpleto ang quarantine or isolation.

 

Inaprubahan din ani Sec.Roque ng IATF ang rekomendasyon na payagan ang Subig Bay Metropolitan Authority na muling tumanggap ng lahat na klase ng vessels para sa hot-warm layup bilang bahagi ng kanilang function na crew change hub.

 

At para magbigay linaw ay ipatutupad aniya ang StaySafe.ph.

 

“yan po ang pinagkaisahan desisyon ng IATF. Ipapatupad po natin ang StaySafe.ph na ang enduser na po ngayon ay DILG dahil sila naman po ay in-charge sa contact tracing,” ang pahayag ni Sec.Roque. (Daris Jose)

Other News
  • 3 MENOR DE EDAD NA KABABAIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

    NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.   Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa  Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children […]

  • Ryan Reynolds and Samuel L. Jackson, Back in Action In ‘The Hitman’s Wife’s Bodyguard’

    THE upcoming action-comedy sequel The Hitman’s Wife’s Bodyguard starring Ryan Reynolds and Samuel L. Jackson, has just received its first trailer.     Aside from to the return of Reynolds and Jackson, as Michael Bryce and Darius Kincaid, respectively, also reprising their roles from The Hitman’s Bodyguard are Salma Hayek as Jackson’s wife Sonia, and Richard E. Grant as Mr. Seifert. Joining this […]

  • Kapitan ng Barangay Kaligayahan muling inireklamo sa Ombudsman

    SINAMPAHAN ng panibagong reklamo ni Aljean Abe, isang dating teaching aide sa Barangay Kaligayahan Novaliches QC ang kanilang barangay kapitan na si Alfredo “Freddy” Roxas, ukol sa Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft & Corrupt Practices Act.       Nag-ugat ang kanyang bagong reklamo ng makaranas sya at kanyang […]