Relasyong PIOLO at SHAINA, maraming kinikilig at meron ding hindi naniniwala
- Published on October 22, 2021
- by @peoplesbalita
BIGLANG lumitaw sa social media ang tila foursome date nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago at sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.
Base sa mga pictures na lumabas, madaling isipin na may relasyon between Piolo and Shaina.
Marami naman kaming nabasang mga netizen na kinikilig sa kanilang dalawa. May mga nagsasabi na bagay raw ang mga ito at siguro raw, sila na nga talaga.
Matagal na raw na nababalitang nagdi-date ang dalawa, pero low key lang, huh!
Pero yun lang, sa kabila ng mga kinikilig sa dalawa, bakit marami pa rin kaming nababasa na nagsasabing hindi sila naniniwala.
May mga comment pa na, “Don’t me Shaina & Piolo!”
***
ANG mag-D.I.Y. (Do It Yourself) daw ang isa sa nadiskubreng talent pa ni Maine Mendoza ngayong may pandemic at ito raw ang isa sa pinagkaka-abalahan niya.
Naging mahilig daw siyang mag-formulate tulad ng perfume. Kaya biniro si Maine ng “daddy” niya sa Daddy’s Gurl na si Vic Sotto na naging scientist na raw siya.
Sa ngayon nga, bilang isa sa pinaka-busiest celebrities pa rin kahit na may pandemic, mapa-endorsements or shows, lagare pa rin si Maine.
Kaya nga sa naging online mediacon ng Daddy’s Gurl na nagse-celebrate na ng ikatlong anibersaryo ngayong Sabado, bukod pa sa ipinakilala ang mga bagong cast, tinanong namin si Maine kung mas naa-appreciate ba niya ang trabahong meron siya.
“Siguro po lalo na sa panahon ngayon na may pandemic, ang dami pong nawawalan ng trabaho. Talagang lahat tayo ay dapat magpasalamat. Like sa akin po sa mga projects at opportunities na dumarating sa akin.
“Sa rami ng walang work ngayon, we just have to make the most of the opportunities that we are given. So kahit minsan, physically tiring and it can get really taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang daming taong walang trabaho.”
Sey pa niya, “Ang daming taong naghihirap ngayon kaya pahalagahan na lang kung ano ang meron ako imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod physically or mentally ‘yung trabaho ko ngayon.”
(ROSE GARCIA)
-
Emergency loan, ‘immediately available’ sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity -GSIS
SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ‘immediately available’ ang emergency loan sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa gitna ng nagpapatuloy na pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine. Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na ang financial assistance sa mga miyembro at pensiyonado na tinamaan ng masamang […]
-
COVID-19 cases tataas pa – DOH
Mismong Department of Health (DOH) na ang nagsabi na inaasahan na rin nilang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa patuloy na pagpapaluwag ng pamahalaan sa ilang panuntunan matapos ang higit dalawang lockdown. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi naman ibig sabihin nito na dapat mabahala ang publiko. […]
-
Pinas, makawawala sa ₱13T nat’l debt sa pamamagitan ng eco growth
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang “guiding principle” para sa plano ng kanyang administrasyon para makawala mula sa ₱13-trillion national debt ay ang economic growth. “We will pull ourselves out of debt via growth. That really is the guiding principle to the economic plan,” ayon sa Pangulo nang tanungin ukol sa kanyang plano […]